Marielrobin

Mariel, nawindang sa baril ni Mommy Eva

September 26, 2021 Vinia Vivar 413 views

Super astig ang bagong YouTube vlog ni Mariel Padilla kung saan ay ipinakita niya ang kanyang koleksyon ng mga baril. Habang pinapanood nga ito ay maiisip mo na lang na asawa nga talaga siya ng isang action star.

May titulong Babae at Baril (My Gun Collection), isa-isang ipinakita ni Mariel ang kanyang mga baril with matching explanation pa.

“Who would’ve thought, right? I know ang mga na share ko before are my collection of bags, headbands, pati tableware, but I’m really excited to show you all a part of me na hindi niyo pa nakikita — my guns!

“It all started nung niregaluhan ako ni #RobinPadilla with my first gun and now look where we are. Anu-ano mga collection niyo?” ang deskripsyon ni Mariel sa kanyang video.

Una niyang ipinakita ang first hand gun na ibinili sa kanya ng mister na si Robin Padilla noong 2011 or 2012.

Siyempre, nagulat daw siya dahil hindi naman daw siya shooter.

Pero mas na-shock daw siya nang malamang may baril din ang kanyang biyenang si Mommy Eva Carino-Padilla na mommy ni Binoe.

“I remember, I’ll never forget it. One of the first few times that I’ve met my mother-in-law, she said, ‘Robin, ‘yung shotgun ko, parang kailangan nang lagyan ng langis.’ I was shocked. Imagine, a 70-year-old lady, sinabi niya na may shotgun siya. I was shocked to the core!

Bago pa lang ako no’n sa pamilya nila. ‘Eto na tayo ngayon, may koleksyon na rin ako,” pagbahahagi niya.

Kwento pa niya, of course, si Binoe ang nagturo sa kanya na magpaputok at noong una nga raw ay talagang takot na takot siya.

“Ten years after takot pa rin ako, okay, I still get scared,” she said.

Nilinaw din niyang lahat ng baril niya ay may permit at mayroon din daw siyang lisensya na ipinakita rin niya lahat.

Kwento pa ni Mariel, the first time na nakita niyang may dalang baril si Binoe ay noong panahon pa na nagho-host siya sa Wowowee na show nila ni Willie Revillame sa ABS-CBN.

“Ihahatid niya ako sa Wowowee, ito ‘yung isinusuksok niya du’n sa ilalim ng upuan niya na noong una na-shock-shock pa ako. Sabi ko, ‘oh my Gosh, ihahatid lang ako sa work, bakit tayo may gun?’ Hindi pa ako masyado no’n sanay, bago pa lang ako sa Padilla (family), hindi pa ako masyadong goons. Ngayon, goons na ‘to!” sey ni Mariel sa tonong nakakaaliw na siya lang talaga ang meron.

Ibinahagi rin niya na ang mga baril ay nakatago sa isang very secured vault and definitely ay out of reach ng mga bata.

Paglilinaw pa niya, “This is all for collection and this is not used for violence ever. Most of the time, for movies, okay? Of course, nandiyan din ‘yung for security, for protection, yes. Pero never for violence.”

AUTHOR PROFILE