Mariel Larawan mula sa Instagram/@marieltpadilla

Mariel nahirapan sa weight loss journey: ‘Frustrating’

August 30, 2023 People's Tonight 289 views

INAMIN ng TV personality na si Mariel Rodriguez-Padilla ang pinagdaanan niyang hirap sa kanyang journey sa pagbabawas ng timbang matapos manganak sa kanyang pangalawang supling.

Nagpakatotoo sa kanyang Instagram post nitong Martes si Mariel matapos amining mas nahirapan siya sa kanyang weight loss journey kaysa noong una siyang manganak sa kanilang panganay na anak ng politician at TV personality na si Robin Padilla.

Nakaapekto rin umano ang kanyang edad, metabolism at iba pa sa kanyang struggles.

“Let me be honest with you, my weight-loss journey after my 2nd child is harder than the first. My age has a lot to do with it, my metabolism is slower… everything,” pahayag ng TV personality sa kanyang Instagram post.

“It can really get frustrating,” dagdag pa niya.

Kuwento pa ni Mariel na hindi naman daw siya nawawalan ng pag-asa sa kanyang weight loss journey. Masaya naman daw ang celebrity mom at sinabi pa ngang malapit na siyang muling makapagsuot ng sleeveless na damit.

“Still a long way to go but I’m getting there,” ani Mariel.

“Malapit na ako mag sleeveless!!!! More than the weight or the inches… ang mahalaga I AM HAPPY,” pahayag pa niya.

Binigyang suporta naman ng ilang netizens sa comment section si Mariel sa kanyang journey.

“We can do it. Almost there.”

“So proud of you, @marieltpadilla !! Yes to showing up! No matter what, you remain beautiful.”

“You can do it, Ma!! Sleeveless, backless get ready!!”

“Go Mariel you’re doing sooo amazing!!!”

“You can do it idol, we love you.”

AUTHOR PROFILE