Mariel

Mariel, kaisa ng K-drama fans

October 24, 2022 Vinia Vivar 286 views

Sa gitna ng mga naging pahayag nina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Robin Padilla ng pagtutol nila sa Korean series, ang misis naman ng huli na si Mariel Rodriguez ay nagpahayag ng pagsuporta sa K-dramas.

Sa kanyang Facebook post ay sinabi ni Mariel na love niya ang K-drama at fan siya dahil magaganda ang istorya at magagaling ang mga aktor.

“I love kdramas! It kept me entertained in the pandemic. I love it because the storyline is always so good, the cinematography is amazing, and the characters are buong buo plus they really act soooo well! So safe to say I am a kdrama fan! Such a fan that I have forgotten to watch local shows (except i watched Entitled on Netflix kasi movie ni Cathy Gonzaga hehe),” pahayag ni Mariel.

Naikwento rin ng misis ni Sen. Binoe na na-curious siyang panoorin ang Doll House ni Baron Geisler dahil sa ingay na nililikha nito at sobrang humanga raw siya sa pelikula.

“Super ganda ng execution nu’ng film, buong buo ang mga character, ang ganda ng storyline, may lesson sa dulo plus ibigay natin ang husay ng mga artista in the film. As in in the scene na audition… grabe ang iniyak ko. Ang ganda. Again gawang pinoy!” sey ni Mariel.

Ina-acknowledge naman ni Mariel ang galing ng mga Pinoy pero hindi raw tayo dapat pigilan sa gusto nating panoorin.

“Magaling tayong mga Pinoy! No one can and no one should stop us from supporting or watching whatever we want but i guess we also should not forget about our own. Kasi magaling din tayo.

Support din natin yung atin. Nakaka sarap ng feeling at nakaka inspire,” saad ng misis ni Sen. Robin.

Pero ano kaya ang sagot ni Mariel sa sinabi ni Binoe na mas gwapo siya kesa sa mga Korean actor?

AUTHOR PROFILE