Marya

Maricel sino ang gustong sampalin sa totoong buhay?

October 8, 2023 Joey Aquino 295 views

MARICEL Soriano’s star still shines bright.

The Diamond Star remains to be one of the most sought-after veteran actresses in local showbiz. Hindi siya nababakante. At magaganda ang mga role na ibinibigay sa kanya. Just recently, she was introduced as new addition to the cast of the afternoon series ‘Pira-Pirasong Paraiso’ Her character is pitted against Snooky Serna’s character. Marami ang natutuwa na ang dalawa na dating fierce rivals ay magkasama ngayon sa isang project. Markado ang bawat eksena ng dalawa. Kaya dagdag kinang ang kanilang mga bituin sa nasabing serye.

Ngayon naman, isa rin siya sa lead cast ng series na “Linlang” na palabas sa streaming platform na Prime Video. Started streaming last October 5, the series is topbilled by Kim Chiu, JM de Guzman and Paulo Avelino. Kasama rin dito si Kaila Estrada. Mapapanood ang ‘Linlang’ sa iba’t-ibang territories sa buong mundo. Bukod sa nasabing series, may gagawin ding sitcom si Maria sa Net 25. Makakasama niya rito sina Eric Quizon at ang Quizon brothers.

Iba talaga ang magaling. Kaya hindi nawawalan ng project. At maraming artista ang nagsasabi na karangalan daw na masampal sila ni Maria sa serye o pelikula. Buwelta naman ng aktres sa presscon ng ‘Linlang’, huwag na raw nilang hangarin dahil “masisira lang daw ang mukha nila”. Sa nasabing serye, nasampal na si Kim ni Maria. Biro nga ni Kim, parang may sarili raw lakas ang mga kamay ni Maria.

Sa totoong buhay, sino kayang artista ang gustong masampal ni Maricel? Just asking…

Disclaimer:

Sadiwa ng malayangpamamahayag, malaya ang sinuman o concerned parties para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE