
Marian, walang gustong iparetoke
Bilang itinuturing ding one of the most beautiful faces in showbiz, tanggap ni Marian Rivera na tatanda rin siya at magkakaroon ng wrinkles.
Pero ang importante, aniya, ay kung paano mo alagaan ang sarili mo habang tumatanda ka.
“Kailangan nating tanggapin ang katotohanan na, alam mo ‘yun, hindi naman forever young ka. Pero, ang tanong, how do you take care of yourself habang tumatanda ka?” sey ni Marian sa grand media launch niya bilang endorser ng BlancPro kamakailan.
“Kasi, lahat tayo darating diyan. Lahat tayo tatanda. ‘Yun nga lang, paano ka tatanda na mas maayos, mas maganda, ‘di ba? For me, okay ako doon. In-embrace ko ‘yung ganu’ng pagkakataon,” aniya.
Asked kung mayroon ba siyang gustong ipabago o iparetoke sa kanyang katawan, ayon sa Kapuso Primetime Queen, wala.
“Thank you, Lord, wala naman. Napaisip tuloy ako. Wala naman. Okay naman ako. At hindi ko rin nga naisip or sumagi sa isip ko na mag-aartista ako.
“Ang gusto ko lang, commercial model, magka-commercial lang, magazines. Eh, nabigyan ng pagkakataon, sinuwerte, siguro pinalad, so nagtuluy-tuloy bilang artista,” sabi ni Marian.
‘ULTIMATE BIYAHERO’
Ipinalabas na last July 2 ang part 1 ng South Korea episode ng Biyahe ni Drew sa GTV bilang back-to-back 10th anniversary special ng show at sa July 9 naman mapapanood ang part 2.
Kasama rito ng award-winning host at “ultimate biyahero” na si Drew Arellano ang kanyang asawa at Kapuso personality na si Iya Villania-Arellano.
Sa naturang back-to-back special ay mapapanood ang pagdiskubre ng Kapuso couple sa pinakamasasarap na Korean dishes, pag-explore sa Korean beauty at pagbisita sa mga sikat na lugar gaya ng popular na BTS bus stop at isa sa mga film location ng hit K-drama series na Goblin.
“We want viewers to have the chance to experience South Korea, most especially maraming Pilipino ang K-pop and K-drama fans. Once we air the episode, automatic na iisipin nila na they want to experience what we have shown sa Biyahe ni Drew as we will give them options that will be useful when they travel,” pagbabahagi ni Drew.
Mula 2013, nakilala na ang show bilang “definitive travel magazine show” sa telebisyon.
Sa 10 taon ng programa, naitampok na nito ang lahat ng rehiyon sa bansa. Nakapaglakbay na rin ang team sa 14 bansa — mula sa mga karatig-bansa sa Asya hanggang sa Jordan, Israel, Zimbabwe at Zambia.
Bilang host sa nakalipas na 10 taon, nakilala si Drew bilang “ultimate biyahero.”
“I feel proud (being regarded as the ‘ultimate biyahero’) because it’s not just me — it’s mostly my team. It’s such an honor to host a travel show for this long, and to experience so many beautiful places, to eat so much good food and to meet interesting people along the way. If I could do this for another 10 years, that would be awesome,” ani Drew.
Ngayong 2023, local travel pa rin ang pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng programa dahil patuloy ito sa adbokasiyang mapalaganap ang Philippine tourism.
Gayunpaman, dapat ding abangan ng mga biyahero ang pagbisita nila sa Bali, Indonesia para sa budget-friendly at Instagram-worthy cultural immersion. Nakatakda rin silang bumisita sa Hanoi, Vietnam kung saan sasamahan muli si Drew ng isang surprise celebrity guest.
Napapanood ang Biyahe ni Drew tuwing Linggo, 8:15 p.m., sa GTV. Mapapanood din ito ng Global Pinoys sa GMA International Channel, GMA Life TV.