Marian

MARIAN, TULOY ANG SERIES KASAMA SI GABBY

June 7, 2023 Jun Nardo 310 views

TULUY-TULOY na ang paggawa ng TV series ni Marian Rivera matapos ang limang taon.

Wala nang urungan ito, kumbaga.

Dumalo na si Marian sa story conference ng series niyang Against All Odds kung saan makakapareha niya si Gabby Concepcion.

Eh, nag-usap na rin naman sila ng asawa niyang si Dingdong Dantes tungkol dito at kung sakaling kapwa sila may trabaho, ang mga nanay nila ang mag-aalaga sa mga anak nilang sina Zia at Sixto.

Sa balita ng 24 Oras, dual role ang character ni Marian sa Against All Odds.

Gusto man niyang huwag munang magtrabaho sa series, wala siyang magagawa dahil contract artist siya ng GMA.

AUTHOR PROFILE