Marian

Marian, todo suporta kina Alden at Bea

September 28, 2022 Jun Nardo 104 views

Alden

NAGPAABOT ng mensahe ng pagbati si Marian Rivera sa kanyang Instagram stories para sa cast ng Start-Up PH bago pa man ang pilot telecast nito last Monday.

Eh, si Marian ang isa sa mga unang nag-welcome kay Bea Alonzo nang pumirma siya ng kontrata sa GMA Network.

Hindi na rin bago kay Yan ang pagiging malapit sa lead actor na si Alden Richards na nakapareha niya sa series na Carmela.

Si Jeric Gonzales naman ay nakasama ni Marian sa Super Ma’am.

Ganyan ka-supportive si Marian sa Kapuso stars sa projects na ginagawa nila.

SUWERTE SA GAME SHOWS

LUMABAS ang pagiging matulungin ng Kapuso actor na si Miguel Tanfelix nang ginamit niya ang napanalunan nila ni Ysabel Ortega nang sumali sa The Wall Philippines upang mamigay ng pagkain at mga gamit sa mga kapuspalad nitong nakaraang kaarawan niya.

Sa kanyang Instagram, ipinakita ni Miguel ang kanyang journey mula nang manalo sa isang contest ng mga bata sa GMA.

Sa audio sa IG, suwerte sa game show ang dating ni Miguel. Pero nagsilbi lang siyang tool o instrumento upang makatulong sa mga nangangailangan.

Bukod sa napanalunang pera sa game show, nanalo na rin ng premyong kotse si Miguel.

Lovelife na lang ang kulang sa aktor na nail-link sa leading lady niya sa What We Could Be na si Ysabel.

AUTHOR PROFILE