Marian tinanghal na “Actress of the Year”
Pinangalanan ng magazine na Esquire Philippines si Marian Rivera bilang Actress of the Year sa kanilang taunang “Man at His Best”.
Ito ay para sa productive year ng Kapuso Primetime Queen na nagsimula sa box-office hit at critically-acclaimed Metro Manila Film Festival 2023 movie nilang “Rewind” ng mister niyang si Dingdong Dantes hanggang sa pagwawagi niya bilang Best Actress para sa kauna-unahan niyang Cinemalaya entry na “Balota.”
Matatandaan na ang “Rewind” ang tinanghal na highest-grossing Filipino film of all time nang humakot ito ng P1.2 billion ticket sales gross. Ang “Balota” naman, patuloy ang pamamayagpag sa mga sinehan sa ikaapat na linggo.
Ayon sa magazine, ang “Man at His Best” ang local iteration ng isang global signature event kung saan binibigyang-pugay ang ”extraordinary Filipino men and women reshaping society as we know it.”