Marian Rivera

Marian sasamahan ni Dingdong sa Israel

December 5, 2021 Aster Amoyo 57 views

SASAMAHAN sa Israel ng Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang misis na si Marian Rivera na isa sa uupong judges sa 70th Miss Universe Pageant. Sobrang proud si Dingdong sa pagkakapili sa kanyang misis na maging isa sa mga hurado ng 21st Miss Universe na nakatakdang ganapin sa darating na Linggo, December 12 (December 13 nang umaga sa Pilipinas) sa Universe Arena ng Eilat, Israel.

Ang kinatawan ng Pilipinas sa naturang pageant ay si Beatrice Luigi Gomez.

Isang malaking karangalan kay Marian ang mapili bilang isa sa mga hurado ng Miss Universe making her the 4th Filipina na umupo bilang hurado ng nasabing pageant. Nauna na rito ang Pop Diva na si Kuh Ledesma in 1991, na sinundan ng Broadway star na si Lea Salonga in 2011 at pangatlo ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach in 2018.

Samantala, 80 ang mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa ang maglalaban-laban para sa korona. Anim na bansa ang umatras dahil sa travel restrictions due to Covid-19 at ang mga ito a ang Barbados, Belize, Germany, Malaysia, Myanmar at Uruguay. Eleven countries naman ang bumalik to participate and these include Turkey, Sweden, Nigeria, Namibia, Morocco, Kenya, Jungary, Guatemala, Greece, Germany at Equatorial Guinea.

Ang pag-alis ng mag-asawang Marian at Dingdong patungong Israel ay first time na mangyayari na hindi nila kasama ang dalawa nilang anak na sina Zia at Ziggy na kailangang maiwan not only due to travel restrictions kundi dahil din sa health risks brought about by Covid-19 at ang threat ng Omicron variant.

Samantala, kahit isang gown lamang ang isusuot ni Marian during the coronation night, siyam na iba’t ibang gown na gawa ng Pinoy at international designers ang kanyang pinagpipilian at ang mga ito ay likha nina Steph Tan, Joe San Antonio, Chris Nick, Jo Rubio, Marc Rancy, Mak Tumang, Andrea Tetangco, Francis Libiran at Vera Wang.

Camille at pamilya sa bagong bahay magpa-Pasko

MALAMANG na nakalipat na ang mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao at tatlong anak na sina Nathan, Nala at Nolan sa kanilang ipinatayong three storey dream-house na halos isang taon din tumagal ang construction. Kaya sa kanilang bagong bahay na sila magsi-celebrate ng Christmas holidays.

Si VJ ay second husband ni Camille whose first husband was Anthony Linsangan na sumakabilang-buhay dahil sa cancer in 2011. Sila’y nagkaroon ng isang anak, si Nathaniel Caesar Prats Linsangan turning 13 on January 4, 2022.

Muling nag-asawa si Camille kay VJ nung February 1, 2017 at meron na silang dalawang supling, sina Nala at Nolan.

Bukod sa pagiging negosyante, si Camille ay aktibo pa rin sa kanyang acting and hosting iobs sa GMA.

Belle inaasahang lalong aangat sa susunod na taon

NINETEEN-year-old Belle Mariano has her hands full laluna sa pagpasok ng taong 2020.

The former child star admits na naging very lucky para sa kanya ang taong ito (2021) dahil maraming magagandang bagay ang nangyari.

Naging phenomenal ang success ng kanyang first team-up with Donny Pangilinan sa iWant TFC mini series na “He’s Into Her” na masusundan ng kanilang first movie together, ang “Love is Color Blind”. Sa taon ding ito lumabas ang kanyang “Daylight” debut album at sa pagpasok ng January 2022, she’s mounting her first digital concert which will be produced ng ABS-CBN Events at mapapanood sa KTX.Ph. Inaasahan naman na magiging special guest ni Belle ang kanyang ka-loveteam na si Donny Pangilinan, ang binata ng mag-asawang Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.

Come 2022, inaasahan ang pagiging phenomenal ng loveteam nina Belle at Donny na kanilang sinimulan sa “He’s Into Her” na ipinalabas din sa Kapamilya Channel.

Si Belle ay nagsimula sa dating kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na siya ring pinagmulan nina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Kiray Celis, Miles Ocampo at marami pang iba.

Anak ni Cherry Pie alam ang panliligaw ni Edu sa ina

KUNG si Luis Manzano ay nagulat sa relasyon ng kanyang dad na si Edu Manzano sa veteran actress na si Cherry Pie Picache, ang kaisa-isang anak ng actress sa kanyang ex-partner na si Gary Tria na si Antonio `Nio’ Tria saw it coming kasi alam niyang nanliligaw sa kanyang mom ang veteran actor, host at entrepreneur.

Si Nio ay ang 19-year old son ni Cherry Pie na isang newbie actor ng Star Magic.

Masaya si Nio for her mom at sa kanyang Tito Edu. Matagal nang hiwalay ang parents ni Nio kaya alam niyang deserved ni Cherry Pie na muling lumigaya.

Bukod sa mga anak nina Edu at Cherry Pie, masaya rin para sa dalawa ang kanilang mga kaibigan na showbiz laluna ang kanilang mga kasamahan sa tumatakbong serye na ABS-CBN, ang “Marry Me, Marry You” kung saan nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa.

Michelle at Enzo magtatatlong taon na ang relasyon

SA darating na Febuary 2022 ay magta-tatlong taon na ang relasyon ng magkasintahang Michelle Vito (24) at Enzo Pineda (31). The couple confirmed their relationship in 2019.

Ang maganda sa dalawa, pareho nilang tinapos ang kanilang pag-aaral. Si Enzo ay nagtapos ng Entrepreneurial course sa Far Eastern University and took up Business Management sa Asian Institute for Distance Education. Si Michelle naman ay tinapos nitong nakaraang March 2021 ang Human Resource Management degree sa De la Salle – College of Saint Benilde. Ang ama ni Enzo ay si Enrico Pineda, ang tumatayong business manager ni Sen. Manny Pacquiao habang ina ng actor na si Macy Pineda ay isang publicist at PR specialist.

Although almost three years na ang relasyon ng dalawa, wala pa umano sa kanilang immediate plans ang paglagay sa tahimik dahil meron pa umano silang magkahiwalay na goals sa kanilang careers.

Sina Michelle at Enzo ay nagkalapit sa isa’t isa sa set ng 2019 TV series na “Nang Ngumiti ang Langit”.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE