Dantes

Marian, proud sa ‘Bahay Kubo’ ni Sixto

July 19, 2021 People's Tonight 189 views

PROUD Mama si Marian Rivera sa bagong achievement ng batang anak na si Sixto o Ziggy.

Aba, marunong nang kumanta si Ziggy ng Bahay Kubo, huh!

Nang mapanood namin ng video ng pagkanta ng bunsong anak nina Yan at Dong (Dantes), malinaw ang letra ng kanta.

Naku, sa achievements ng anak, hindi kataka-taka kung mas nanaisin ni Marian na mag-alaga na lang ng mga chikiting nila, huh!

PASS SA MAGARBONG ANIBERSARYO

PASS muna sa magarbong anniversary celebration ngayong buwan ang Eat Bulaga.

Forty-two years na sa ere ang Bulaga. Kaya wala nang puwedeng kumuwestiyon sa pagiging longest noontime show nito sa telebisyon.

Eh, dahil todo ingat din ang mga involved sa sa show, ang pamimigay ng pera ang madalas na laman ng show ngayon para makatulong sa masusuwerteng viewers.

Happy 42nd anniversary, Eat Bulaga!

NAGPALIT NG MANAGER

LUMIPAT na ng bagong manager ang aktor na si Nico Antonio. Wala na siya sa Star Magic.

Ang manager ngayon ni Nico ay si Becky Agula.

Natutuwa naman si Nico dahil nagsunud-sunod ang trabaho niya ngayon sa GMA-7. Kalalabas niya lang sa Daig Kayo ng Lola Ko.

Pero sa episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, bidang-bida si Nico sa episode na dinirek ni Dominic Zapata.

Makakapreha niya si Max Collins na lalabas bilang isang Russian na magkakagusto sa kanya. Fresh episode ito ng MPK, huh!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE