Marian1

Marian panalo ang 40th b-day sa inuwing best actress trophy

August 12, 2024 Jun Nardo 91 views

Marian2KABOG ang lahat sa panalong 40th birthday gift na natanggap ni Marian Rivera a day before her August 12 birthday, huh!

Nagwagi si Yan bilang best actress sa katatapos na Cinemalaya XX nu’ng Sunday para sa movie niyang “Balota.”

Present sa awards night ang asawa niyang si Dingdong Dantes at matamis ang halik na ibinigay sa asawa.

Isa sa mga inalayan ni Marian ng award ang director niyang si Kip Oebanda na hindi napanalunan ang best director award.

Bukod sa unang Cinemalaya acting award, ang “Balota” ay isa rin sa top earners ng indie fest, huh! Patunay lang na malakas ang hatak ni Yan sa publiko, mapa-mainstream man o indie ang kanyang movie!

Congratulations, Marian and happy 40th birthday!

PILITA NAPANATILI ANG HUSAY AT GANDA SA EDAD NA 85

TOTAL performer ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales who turns 85 this August 22.

Yes, 85 na si Pilita, pero napanatili niya ang ganda ng katawan, legs at boses na talaga namang hinangaan sa kanya sa loob at labas ng ‘Pinas.

Fifteen years old nang magsimulang kumanta ni Pilits at sa Australia niya unang ginawa ito.

Nagkaroon sila ng financial problem sa family kaya kinailangan niyang maghanap-buhay at ang boses niya ang naging puhunan niya.

Nang madiskubre, halos naging bahagi na ng ating buhay si Pilita, lalo ang pagbali niya ng beywang habang kumakanta ng “A Million Thanks To You.”

Mula sa pagiging singer, nag-artista rin siya sa TV at movies.

Malalaking foregign singers din ang nakasama niyang kumanta gaya nina Bob Hope, Sammy Davis, Jr., Matt Monroe at ang Beatles.

Super hit din ang album niyang Filipino love songs na hanggang ngayon ay bumebenta pa rin.

Oo nga at 85 years old na si Pilita pero ang kanyang legacy ay hindi puwedeng tawaran ng kahit sinong singer, huh!

AUTHOR PROFILE