Marian

Marian, nakidalamhati sa pagkamatay ni Miss USA

January 31, 2022 People's Tonight 101 views

NAGPAABOT ng pakikiramay si Marian Rivera sa pagpanaw ni Miss USA Cheslie Kyrst last Sunday sa New York City.

Ayon sa reports, namatay si Cheslie nang mahulog sa mataas na building sa New York City.

Nakasama ni Yan si Miss USA sa nakaraang Miss Universe 2021 na ginanap sa Israel bilang bahagi ng Selection Committee.

Isa rin sa mga nagpaabot ng pakikiramay si Catriona Gray at nag-post din siya tungkol sa suicide prevention.

Nakiramay din ang global pageant community.

Samantala, havey na havey ang latest Instagram posts ni Marian suot ang ilang signature brands.

Gaya ng alam ng lahat, balik-trabaho na ang mag-asawang Marian at Dingdong Dantes matapos ang panandaliang quarantine dulot ng pagkakahawa nila sa Covid-19.

CELEBS NA IPINANGANAK SA YEAR OF THE TIGER

SIMULA ngayon ng Year of The Tiger dahil Chinese New Year na.

Ayon sa Chinese zodiac, ang Tiger ang pinaniniwalan nilang King of The Beasts.

Ilan sa international celebs na ipinanganak noong Year of the Tiger ay sina Queen Elizabeth II, Leonardo DiCaprio at Lady Gaga.

Sa local celebs naman, ilan sa mga ipinanganak sa Year of The Tiger ay sina Carla Abella, Katrina Halili. Pacho Magno, Luane Dy, Dion Ignacio, Ina Feleo, Mark Herras, Rachel Ann Go, Boobay, Sugar Mercado, Miguel Tanfeliz, Gabbi Garcia, Ashly Ortega at iba pa.

Year of the Tiger ang mga taong 1938, 1950, 962, 1974, 1986, 2010 at 2022.

Kung Hei Fat Choi to all!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE