Alden

Marian nagpaabot ng pagbati kina Kathryn at Alden dahil sa malaking tagumpay ng ‘HLA’

November 23, 2024 Aster Amoyo 140 views

Alden1Alden2AS expected, muling gumawa ng kasaysayan at the box office ang sequel at reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang “Hello, Love, Again” na pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina and joint production ng Star Cinema and GMA Pictures.

Opisyal nang inihayag ng Star Cinema ng ABS-CBN na nalagpasan na ng HLA ang naitalang record ng naunang tambalan nina Kathryn at Daniel, ang “Hello, Love, Goodbye” nung 2019 na dinirek din ni Direk Cathy and also produced ng Star Cinema maging ang “Rewind” nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na dinirek ni Mae Cruz-Alviar (also under Star Cinema) sa nakaraang 2023 Metro Manila Film Festival, ang huling may hawak ng highest grossing Fiilipino film of all time.

Muling naibalik sa tambalan ng KathDen nina Kathryn at Alden ang titulong “Highest Grossing Filipino Film of All Time”, ang HLA na hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag sa maraming sinehan sa bansa and worldwide magmula nang ito’y ipalabas nung November 13, 2024.

For many years, ABS-CBN’s film outfit Star Cinema has been lording it over sa pangunguna sa takilya ng kanilang mga produced movies at sila rin ang sumisira ng sarili nilang box office records.

Nagbunga rin ang pagiging super sipag ng dalawang lead stars sa pagpu-promote ng kanilang bagong movie hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Bukod sa ganda ng pagkakagawa ng pelikula, malaki rin ang naitulong ng limang taong hindi pagsasama ng dalawa sa movie at ang kanila ring pagkaka-link sa isa’t isa ngayon na isang malaking factor. Kung marami ang kinilig sa movie ay mas marami ang kinikilig sa namumuong magandang relasyon sa pagitan ng dalawa na mukhang mauuwi sa totohanan.

Walang mapagsidlan ng kaligayahan sina Kathryn at Alden gayundin si Direk Cathy at ng mga tao sa likod ng Star Cinema and GMA Pictures sa ipinakitang suporta at pagmamahal ng mga manonood hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Tiyak na may follow-up movie ang dalawa sa susunod na taon.

“Maraming salamat to all of you who gave your love and support for our film. We truly have found our home in you and we celebrate this success with you.

Samantala, nagpaabot naman ang misis ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera ng pagbati kina Kathryn at Alden sa malaking tagumpay ng pekulang “Hello, Love, Again”. Umasa ang Kapuso Primetime Queen na sana’y magtuluy-tuloy pa ang pagsuporta ng mga manonood sa mga pelikulang Pilipino.

Higit sa mga lead stars at producers ng pelikula, ang mas panalo rito ay ang mga manonood.

Madelyn inalala ang malaking sakripisyo ng mister na si April Boy

PicPic1Pic2Pic3NAPAKALAKING break ang ibinigay ng WaterPlus Productions sa dalawang baguhang singers-actors na sina John Alcantara at Kate Yalung para pagbidahan ang true-to-life story ng yumaong music icon, ang tinaguriang `IDOL’, ang singer-songwriter and record producer na si April Boy Regino. Ang pelikula ay sinulat at pinamahalaan ng veteran actor-director na si Efren Reyes, Jr.

Sa halip na ganapin sa isang sinehan ang grand premiere night ng pelikula, ito’y ginanap sa pamamagitan ng isang formal sit-down dinner at Duchess Grand Ballroom ng Great Eastern Hotel in Quezon City na dinaluhan ng producer, cast and production staff, entertainment media and vloggers, wife ng yumaong music icon na si April Boy Regino na si Madelyn Regino and family and special guests.

Ang pelikulang “IDOL: The April Boy Regino Story” ay magsisilbing 4th death anniversary offering para sa namayapang music icon na nakilala sa kanyang taguring na “Idol” at sa kanyang walang mga kamatayang hit songs tulad ng “Umiiyak ang Puso,” “Paano Ang Puso Ko,” “Esperanza,” “Di Ko Kayang Tanggapin,””Kay Tagal,” “Kahit May Ibang Mahal ang Puso Ko,” “Paano Ako, Paano Tayo” at marami pang iba.

Very inspiring ang life story ni April Boy who as a young boy ay nangarap na matulungan at maiangat sa kahirapan ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pag-awit.

Taong 2009 nang ma-diagnose si April Boy ng pagkakaroon ng prostate cancer pero pagkaraan ng apat na taon, he was declared by his doctors cancer-free. At that time ay nag-migrate na siya sa Amerika with his family – his wife Madelyn at dalawa nilang anak na sina JC at Charmaine.

In 2011, he and his family took their oath as American citizens pero sa kalaunan ay bumalik din sila ng Pilipinas kung saan binawian ng buhay si April Boy.

Taong 2015 when he was diagnosed of diabetic retinopathy na naging sanhi ng kanyang pagkabulag and four years later ay na-diagnose naman siyang may chronic kidney disease and acute respiratory failure na naging sanhi ng kanyang pagkamatay nung November 29, 2020 sa edad na 59.

Sa tuwing naalaala ng misis ni April Boy na si Madelyn ang struggles na pinagdaanan ng kanyang namayapang mister bago ito binawian ng buhay ay hindi niya maiwasan ang maluha.

“He was a caring and responsible son to his parents, husband, father and friend,” pahayag ni Madelyn nang ito’y makausap namin sandali sa premiere night ng pelikulang “IDOL: The April Boy Regino Story”.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE