Marian

Marian, maglalabas ng second wave ng sold-out na clothing line

November 8, 2021 People's Tonight 241 views

SAMPUNG libong piso ang halaga ng bawat damit na ibinebenta ni Marian Rivera sa clothing line ng kanyang Flora Vida by Marian.

Pero walang pakialam sa presyo ang bumili dahil sold out agad ang mga ito sa loob ng tatlong araw, huh!

Last November ni-launch ni Yan ang kanyang clothing line. Naka-display ‘yon sa kanyang website. Ang bilis nitong nabenta matapos ang launching.

Of course, bukod sa clothing line, tuloy pa rin ang kanyang line para sa flower arrangements at mga gamit sa bahay.

Nagsi-celebrate na rin ng ikaapat na anibersaryo ang kanyang GMA show na Tadhana at sa virtual mediacon ay sinabi ni Yan na natutuwa siya dahil unexpected ang tagumpay ng Flora Vida clothing line. Sabi niya, matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng sariling clothing line. Nag-try lang siya at hindi in-expect na ganu’n kainit itong tatanggapin ng publiko.

Dagdag ni Yan, lalo siyang na-inspire na maglabas ng second wave ng clothing line.

ANGELI, MULING MAKAKAROMANSA SI SEAN

MATAPOS ang kanyang sexy role sa pelikulang Taya, tinanggap na naman ng VMX Crush na si Angeli Khang ang challenge ng isa pang sexy role kaya naman isa na siya sa mga dapat abangan sa bagong sexy stars ng Viva sa pelikula niyang Mahjong Nights.

Ang director ng movie ay ang award-winning director na si Lawrence Fajardo na siyang naggabay kay Angeli para sa kanyang role.

Muling makakaromansa ni Angeli ang in demand young actor ngayon na si Sean de Guzman at ang batikang aktor na si Jay Manalo.

Sa November 12 ang streaming ng Mahjong Nights sa Vivamax. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE