Yan

Marian, ipagluluto ng menudo si Bea

August 21, 2021 Ian F. Fariñas 108 views

BeaMaituturing na casting coup ang katatapos na virtual celebration ng 12th anniversary ng Beautederm ni Rhea Anicoche-Tan dahil napagsama sa iisang frame ang ngayo’y “mag-Kapuso” nang sina Marian Rivera at Bea Alonzo.

First time itong magharap nina Marian at Bea na, as we all know, ay parehong Beautederm ambassadors — si Marian para sa Beautederm Home at si Bea naman para sa Beautederm Etre Clair.

Aliw ang netizens sa naging palitan nila, lalo pa nga’t nakasama rin nila ang kapwa-Beautederm babies na sina Korina Sanchez at Darla.

Gaya ng nabanggit na niya sa previous interviews, nagpakatotoo si Bea sa pagsasabing kinikilig siyang makaharap si Marian.

Biro pa ng dating Kapamilya star, “Magpapaka-close na ako. Marian, baka naman. Hahaha!”

At ’di naman siya napahiya sa reigning Kapuso Primetime Queen na nagsabing, “Sure ba! Basta matapos itong pandemya… at ipagluluto ko kayo ng menudo ng lola ko.”

AUTHOR PROFILE