Marian

Marian in-interrogate ang direktor ng ‘Balota’

June 21, 2024 Jun Nardo 244 views

NAGLAAN ng oras si Marian Rivera upang paunlakan ang imbitasyon ng Marites University.

Matapos ihatid ang dalawang anak sa school, lumiwanag nang husto ang Scott Media Productions sa pagdating ng Kapuso Primetime Queen.

Maluwag na rin kasi ang schedule ni Yan dahil tapos na ang taping niya ng My Guardian Alien kung saan si Gabby Concepcion ang kasama niya.

“Father figure ko si Kuya Gabby. Kapag nag-uusap kami, family ang madalas naming pag-usapan. Very professional at masaya ring kasama pati co-stars ko,” sabi ni Yan kay Gabby.

After MGA, rest muna si Marian sa paggawa ng series. Natapos na rin niya ang Cinemalaya movie niyang Balota.

“May prosthetics ako riyan. Nilalagyan ako ng eyebag. Pero walang make-up,” saad ni Yan.

Isa siyang teacher sa movie.

“Very raw siya. Bukod sa make-up at body dobol, nu’ng binasa ko ang script, sabi ko, ang ganda ng aral na mapupulot ang manonood.

“Ang ganda ng kuwento. Bago ko ito tanggapin, nag-one-on-one kami ni Direk Kip (Oebanda). Saan nanggaling ang kuwento na ito, bakit mo naisulat ito. Bakit ako ang napili mong gumawa nito.

“Du’n pa lang sa mga sagot niya, nasagot niya nang tama. Wala akong dahilan para mag-say no,” kuwento niya.

Ayaw mang sabihin ni Yan kung ano ang napag-usapan nila ng director, nabanggt niyang, ‘Sabi niya, parang hindi kasi puwede ‘yung teacher na mahinhin, hindi palaban pero gusto ng tao.

“So marami akong fight scenes dito. Kung umaarte ka lang, makikita sa screen ‘yon. So parang gusto nya, fierce talaga! Fight kung fight talaga.

“May anak ako riyan. Parang talandi ako riyan! Hahaha!” diin ni Marian.

Abangan ninyo si Marian sa exclusive interview namin sa Primetime Queen sa Marites University na mapapanood next week.

Maraming salamat, Marian!

AUTHOR PROFILE