Zia

Marian, ‘Di pa pabor sa face-to-face classes

November 8, 2021 Ian F. Fariñas 287 views

NASA Alert Level 2 na ang Metro Manila kaya naman natanong ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera kung papayagan ba nila ni Dingdong Dantes ang anak nilang si Zia na mag-face-to-face class kapag kinailangan na.

Napag-usapan na raw nila Dong ang tungkol dito. May pa-survey kasi sa school kung papayag nga ang parents na papasukin na ang mga anak nila sa eskwelahan.

“Tagilid sa akin ’yan,” bungad ni Marian sa online mediacon kahapon para sa 4th anniversary ng Tadhana, kung saan mamimigay sila ng brand-new house and lot. Ang Tadhana ay napapanood tuwing Sabado, 3:15 p.m., sa Kapuso channel.

Katwiran ni Marian, “Sana magkaroon muna ng vaccine for the kids para mas may panlaban din sila.”

Ganunpaman, bukas pa rin daw siya sakali mang ang ibang mga magulang ng mga kaklase ni Zia, eh, pumayag. Pero sa ngayon, aniya, “I will say no… for now.”

AUTHOR PROFILE