Marian1

MARIAN, DASURV TAWAGING ‘TIKTOK QUEEN’

August 18, 2023 Jun Nardo 240 views

INANGKIN na ni Marian Rivera ang short-video platform na Tiktok.

Aba, ang Price Tag dance video niya kung saan nakasuot siya ng puting T-shirt at dark cap, humamig na ng 111 million views as of this writing, huh!

Eh, dahil sa Price Tag challenge ni Yan, ginaya na siya ng ilan pang celebs gaya ni Ai-Ai de las Alas. Hindi nga lang nakabog ng komedyana ang BFF niyang si Marian.

May isa pang entry sa TikTok si Marian kung saan itim naman ang T-shirt niya at milyon din ang views.

Naku, gawin nang TikTok Queen si Marian, dasurv niya ‘yon, huh!

AUTHOR PROFILE