Yanyan

Marian, bumubuhos ang endorsements kahit pandemya

October 13, 2021 People's Tonight 57 views

BUMUBUHOS tulad ng malakas na ulan ang sunud-sunod na endorsements ni Marian Rivera kahit pandemya.

Sa loob ng dalawang linggo, diret-diretso ang shoot ni Yan ng endorsements nang walang palya, huh! Kaya naman ang fans niya at netizens ay laging may aabangan sa kanya kada araw.

Samantala, lumabas sa isang site ang picture ni Marian bilang si Darna na matagal na niyang nagawa sa TV at movie.

Para raw sa Ravelo family, si Marian pa rin ang “best actress who portrayed the role of Darna.”

Pagdating sa TV, tuluy-tuloy pa rin ang work from home taping niya para sa GMA program na Tadhana na dinidirek ng asawang si Dingdong Dantes.

ARA, MAY PA-LIVELIHOOD SEMINAR

MAGSASAGAWA ng livelihood seminar si Ara Mina para sa mga taga-San Pedro, Laguna. Paraan ni Ara ang pag-conduct ng seminar bilang suporta sa asawang si Dave Almarinez na tumatakbo bilang kongresista sa distrito na sakop ang San Pedro.

Iniwan muna ni Ara ang trabaho sa Pampanga nang mag-file ng kandidatura niya si Dave sa Comelec sa Calamba.

Dating Bokal si Dave sa distrito bago nagdesisyong targetin ang pagiging congressman.

“Siguro perfect time para ito na ‘yung simula ng next level nating paglilingkod sa ating mga kababayan sa San Pedro.

“Excited na kami na may konting kaba,” sey ni Dave.

Naka-focus si Dave sa proejcts gaya ng modernization of health facilities, kalusugan, waste management at infrastructure habang livelihood seminar at projects naman ang kay Ara. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE