Isabel

Maria Isabel ano na ang buhay ngayon?

January 10, 2023 Aster Amoyo 902 views

Isabel1Isabel2

SA California, USA na naka-base ngayon ang dating beauty queen, actress at painter na si Maria Isabel Lopez matapos nitong magpakasal sa kanyang second husband, ang Jewish-American human rights retired lawyer na si Jonathan Melrod. Pero pabalik-balik pa rin ng Pilipinas ang actress whenever she has projects on TV and movies.

Ayon sa actress, napaka-supportive sa kanya ng mister hindi lamang bilang actress kundi magiging sa kanyang pagiging painter.

Sina Maria Isabel at ang kanyang second husband ay ikinasal sa Amerika nung June 9, 2019 kaya sa darating na June ay ise-celebrate ng mag-asawa ang kanilang 4th wedding anniversary. Ang dalawa ay nagkakilala sa isang dating app sa Amerika initiated by her California-based sister.

Nang dumating ang time na dapat na sana silang magkita in the US ay hindi ito natuloy. Hindi nakaalis si Maria Isabel dahil may ginagawa siyang serye noon sa ABS-CBN. Ang ginawa ni Jonathan ay siya na ang lumipad patungong Pilipinas to meet with her.

Walang idea si Jonathan na isang kilalang actress sa Pilipinas si Maria Isabel. Nalaman na lamang niya ito nang sila’y magkita at may mga taong nagpapa-picture sa actress.

Ayon sa actress, she just gave it a try to meet up with Jonathan pero wala umanong assurance na magiging sila. Pero sa una pa lamang nilang pagkikita, they hit off right away dahil bukod sa kanilang common interest sa pagiging advocate ng human rights, pareho silang matalino.

Si Jonathan sa may dalawang grown-up sons sa kanyang previous marriage at may dalawa ring anak si Maria Isabel sa kanyang ex-hsuband, ang Japanese national businessman na si Hiroshi Yokohama na sina Mara at Ken Yokohama.

MaraMara1

Sa dalawang anak ng aktres, ang kanyang panganay na si Mara Lopez ang sumunod sa kanya sa showbiz.

“Mara is now based in New York City (USA) at may mga international projects na siya roon and is happily in a relationship with her American boyfriend,” pagbabahagi ni Maria Isabel.

“I consider Mara a better actress sa akin dahil first movie pa lamang niya ay nanalo kaagad siya ng best actress award,” pahayag ng isang proud mom.

Ang kanyang son naman na si Ken ay tapos na sa kanyang pag-aaral sa De la Salle University ng civil and software engineering and is now working. He is in a relationship with Quezon City Mayor Joy Belmote’s niece na si Nicole Belmonte.

Kahit sa Amerika ay may mga international project si Maria Isabel tulad ng “To Ken with Love” na dinirekni Mike Talplacido at ang “The Sleepwaker” directed by Ara Chawdhurry.

“My husband is the one promoting me in the U.S.,” the actress beams.

She also held a series of art exhibits in the U.S. dahil na rin sa tulong ng kanyang husband.

Ayon sa actress, one of the rooms of their house in Sebastopol, California was converted as her painting studio by her husband.

“I’m so lucky I found a very loving and supportive husband,” aniya.

Ang actress-painter ay huling napanood sa TV series na “Love in 40 Days” ng ABS-CBN nung isang taon and she’s starting a movie soon plus another movie to be directed by Erik Matti.

“I’m glad na kahit sa Amerika na ako naka-base ay hindi pa rin nila ako nakakalimutan na isama sa kanilang mga proyekto,” pahayag ni Maria Isabel who spent the Christmas holidays in Manila with her husband and relatives. The couple is flying back to the US on February 16, 2023.

The actress has had a series of controversies in the past including her winning the Bb. Pilipinas-Universe crown in 1992 kung saan binawi sa kanya ang korona after it was discovered that she was a sexy model ng Girard Peters before joining the pageant. The actress-beauty queen stood her ground and kept the crown until her reign ended.

“The crown was given to me based on the judgment ng mga judges, bakit ko naman isosoli?”paliwanagniya.

On the 40th anniversary ng Bb. Pilipinas Charities, all the past winners were invited except her. But she was given a ticket by former Miss Universe-turned actress Gloria Diaz who was among the judges that evening kaya siya nakadalo much to the surprise of the organizer and the people behind the organization.

Some staff tried to ask her to leave pero hindi siya nagpatinag habang naawa naman sa kanya ang ilang past Bb. Pilipinas winners including Melanie Marquez and Alma Concepcion dahil sa naging treatment sa kanya. She told the staff na si Gloria Diaz ang nagbigay sa kanya ng ticket kaya wala silang nagawa.

Hindi napaalis si Maria Isabel sa kanyang upuan at tinapos niya ang event na hindi ikinatuwa ng mga nasa likod ng Bb. Pilipinas.

“Alam ko naman na nanggigigil sila sa presence ko but all the more that I stayed,” aniya.

Nagpatuloy ang pagiging controversial ni Maria Isabel nang gawin niya ang pelikulang “Isla” na dinirek ng yumaong si Celso Ad Castillo under Viva Films and was shown at the Manila Film Center. Sa nasabing movie ay nag-frontal nudity siya, her passport to fame at kasunod na rito ang mga sexy movies niya tulad ng “Silip,” “Hubo sa Dilim,” “Mga Nakaw na Sandali,” “Dingding Lang ang Pagitan” at marami pang iba.

Maria Isabel was one of the hottest sex sirens in the `80s and started her movie career sa bakuran ng Viva Films in 1983 kung saan niya unang ginawa ang mga pelikulang “Sana Bukas Pa ang Kahapon” na sinundan ng “Dugong Buhay”.

The actress got her Best Supporting Actress trophy mula sa Golden Screen Awards ng Enpress in 2009 para sa pelikulang “Kinatay” na dinirek ni Brillante Mendoza. Nakasama rin siya sa Cannes International Film Festival in 2016 kung saan nanalong Best Actress si Jaclyn Jose for the movie “Ma’ Rosa” na pinamahalaan din niDirek Brillante.

cocoCoco1

Coco, Kabayan Noli kabilang sa mga deboto ng Itim na Nazareno

MARAMI ang mga kilalang personalidad na devotee ng Black Nazarene ng Quiapo at isa narito ang superstar na si Coco Martin na hindi um-absent sa nakaraang Kapistahan ng Itim na Nazareno laluna ngayon na sunud-sunod ang mga biyayang dumarating sa kanya, kabilang na ang bagong serye niya soon sa ABS-CBN, ang ‘FPJ’s Batang Quiapo.’.

Kasama si Coco sa daang-dang deboto na dumayo sa Quiapo.

Isa rin si Kabayan Noli de Castro sa mga deboto bagama’t nung nakaraang Kapistahan ng Itim na Nazareno ay naroon siya sa Quiapo para maghatid ng balitasa “TV Patrol” na siyang petsa ng kanyang pagbabalik sa nasabing primetime news program ng ABS-CBN.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell button of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE