Villar

Marcos: BBM-Sara UniTeam lalong pinalakas ng NP endorsement

March 29, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 340 views

HALOS limang linggo na lamang bago ang inaabangang May 9 elections, nakikita ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na isang malakas na dagdag-pwersa sa kampanya ng UniTeam ang pormal na pagdeklara ng suporta ng Nacionalista Party (NP).

“We are very happy everytime na meron tayong nakukuhang suporta lalong-lalo na sa pinanggalingan naming partido na Nacionalista Party. Mabuti ‘yan at lahat ng kaibigan at kaalyado ay nagsama-sama na,” sabi ni Marcos sa isang panayam.

“Nagpapasalamat syempre kami kay Sen. Manny Villar, Sen. Cynthia at maging kay senator na si Mark Villar. Nagpapasalamat kami sa kanila na patuloy ang suporta nila sa amin ni Inday Sara,” dagdag pa niya.

Ang NP ang itinuturing na isa sa pinakamatandang political party sa bansa at isa rin ito sa organisado, malaki at maimpluwensiyang grupo.

Sa statement na inilabas ngayong Martes, sinabi ni Nacionalista Party president and chairman of the national directorate Manuel Villar na naniniwala silang ang panawagang pagkakaisa ng BBM-Sara UniTeam ang pinakasagot upang bumuti ang bansa.

“For the May 2022 elections, the Nacionalista Party fully supports the candidacies of Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. for President and Inday Sara Duterte for Vice President,” ani Villar.

“We believe that Bongbong and Inday Sara’s message of unity is crucial in binding our country together and in inspiring our people as we rebuild not only from the pandemic but also from the political chasm that divides us,” sabi pa ni Villar na dati ring naging Senate President.

Binigyang-diin ni Villar na ang UniTeam ay may maayos na plataporma de gobyerno, may tamang qualifications, at track record para pamunuan ng maayos ang Pilipinas.

Ang pag-endorso ng NP ay inihayag matapos lumabas ang Laylo Research poll results kung saan ay nanatiling nasa itaas at nangunguna si Marcos at ninanamnam ang malaking kalamangan sa mga katunggali mula sa nakuhang 61% voters preference at mataas din na trust rating na naitala sa 53%.

Bago maging opisyal na kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas noong nagdaang taon, miyembro si Marcos ng Nacionalista Party, simula pa noong taong 2009.

Ang ama ni BBM na si dating President Ferdinand Marcos Sr. ay naging standard-bearer ng NP nang tumakbo ito sa pampanguluhan taong 1965.

Isa rin ang NP sa malaking political party na nakapaloob sa alyansa ng UniTeam.

Kamakailan ay nagdeklara rin ng suporta sa BBM-Sara UniTeam ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ng Pangulong Rodrigo Duterte at National Unity Party (NUP).

Si Mark Villar, anak ng dating Senate president, ay kasama sa senatorial slate ng UniTeam.

AUTHOR PROFILE