Marco1

Marco, walang inggit kay Daniel

August 3, 2022 Vinia Vivar 337 views

Walang inggit na nararamdaman si Marco Gumabao sa tagumpay na naabot ng kaibigan at kasabayan niyang si Daniel Padilla. Actually, parati nga raw itong natatanong sa kanya.

“I’ve been in the industry since 2012 and, of course, marami na akong nakasabay, mga ka-batch and as you all know, barkada ko sina Daniel,” sey ng aktor sa story conference ng sexy romantic-comedy film na Baby Boy, Baby Girl.

“I always get this question, lagi ko pong nakukuha ‘yung question na ‘to eversince before na parang ‘o, naiinggit ka ba sa mga kasabayan mo? Naiinggit ka ba kay Daniel?’ ganyan-ganyan.”

Ayon sa aktor, hindi inggit ang nararamdaman niya.

“For me, hindi po siya inggit, eh. It’s more of proud ka sa kaibigan mo dahil ang layo ng narating niya and at the same time, ginagamit mo ‘yun bilang inspirasyon or motivation.

“Para kapag dumating ‘yung oras mo, pwede mong sabihin na parang ‘o, hintayin mo ‘ko diyan, papunta rin ako kung nasaan ka,’” pahayag ni Marco.

Paliwanag pa niya, “Kasi kung titingnan mo siya in a way na nagseselos ka or naiinggit ka, ikaw ‘yung talo, eh, ’di ba? Talo tayo lahat kapag tayo nainggit.

“So, let’s always look at things na, kumbaga, ‘yun ang source of motivation or source of inspiration kasi kaya naman talaga nandiyan sila kung nasaan sila ngayon, to serve as inspiration to other people na nagsisimula pa lang.

“Kung maiinggit lahat ng tao sa kanila, walang mangyayari sa industriya natin. Kumbaga, lahat tayo, maghihilaan pababa.”

Aniya pa, naniniwala siya na lahat ay may kanya-kanyang panahon.

Samantala, makakapareha ulit ni Marco si Kylie Verzosa sa sexy romantic-comedy film na Baby Boy, Baby Girl. Ilang beses na ring nagkatrabaho ang dalawa at matagal na rin silang magkaibigan kaya naman natuwa sila pareho nang malamang magkakasama silang muli.

Magsisimula na shooting ng movie sa August 7 mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana under Viva Films.

KYLIE, ’DI PA HANDA SA BAGONG PAG-IBIG

Nakatsikahan din namin sa nasabing storycon si Kylie at hindi maiwasang maitanong sa kanya ang kalagayan ng puso niya matapos ang pinagdaanang breakup with Jake Cuenca.

“Okay naman po ako, very happy and very busy,” aniya.

Mas okay na ba siya ngayon?

“Okay naman ako,” ulit niya.

Has she moved on?

Natawa si Kylie. “Ang hirap lang sagutin. Pero okay ako ngayon,” natatawa niyang sagot.

Asked kung nasa proseso pa rin siya ng moving on, sagot ng aktres, “Compared to a month ago or two months ago, I’m in a much better place right now. So, happy ako sa posisyon ko ngayon and I’m doing a lot better,” dagdag pa niya.

Open na ba siya sa panibagong relationship?

“Kahit gusto kong maging open, hindi pa ako ready for a new relationship. Kahit gustuhin ko man, parang hindi ko pa kaya. Not now. Parang wala pa akong oras, at hindi pa handa ‘yung puso ko,” she said.

Anyway, ang Baby Boy, Baby Girl ay tungkol sa love story ng dalawang sugar babies at tatalakayin nito ang mundo ng ‘sugar dating’ na common na pala ngayon.

Ayon kay Kylie, nang i-offer sa kanya ang movie ay naging interested siya agad nang makita ang title nito. Bukod dito, fan siya ng works ni Direk Jason at noon pa raw niya ito gustong makatrabaho.

Mas lalo pa nga siyang natuwa nang malaman niyang si Marco ang makakapareha niya since matagal na silang magkaibigan.

AUTHOR PROFILE