Marco

Marco, tumangging magpa-make-up ng pwet at maglagay ng plaster — Direk Darryl

September 24, 2021 Ian F. Fariñas 151 views

HOT item ngayon ang Pinoy Big Brother Teen Edition graduate at Viva artist na si Marco Gallo dahil sa viral butt exposure scene niya sa pelikula ni Direk Darryl Yap na Ang Manananggal na Nahahati ang Puso na may mahigit na 16M views na sa socmed.

Pag-amin ng direktor sa virtual mediacon kahapon, bawal sana ilabas ang clip na iyon ng paghuhubad ni Marco, pero pasaway daw siya kaya in-upload niya at milyun-milyon nga ang nag-react dito.

Anyway, pagbubuking pa ni Direk Darryl, talagang naghubo’t hubad si Marco sa nasabing eksena na ikinagulat ng mga nasa lock-in shooting.

Tumanggi raw itong magpa-make-up ng pwet niya o magpaplaster sa private part.

Katwiran daw ni Marco sa direktor, makinis naman ang pwet niya at kung maglalagay siya ng tape sa harap, masakit dahil didikit lang sa pubic hair niya.

Kasing kontrobersyal ng naturang butt exposure scene ang bawat sagot na bitawan ni Marco sa mga virtual presscon.

Kaugnay ng kanyang bagong TV series na ’Di Na Muli sa TV5 kung saan kapareha niya ang showbiz crush na si Julia Barretto, inamin niya na na-excite siya sa laplapan scene nila.

Ani Marco, “I’m excited because my friends know that my girl crush, like, celebrity crush in show business is Julia Barretto. When I learned I’m having a kissing scene (with her), I was, like, ‘Oh, my God, the universe heard me!”

Inamin din ng aktor na ninerbyos siya habang sinu-shoot ni Direk Andoy Ranay ang nasabing kissing scene.

Aniya, “I was so nervous. I just was scared in a way. Imagine, your kilig crush, na-kiss mo but even if it’s for work. I had on my side a lot of embarrassment, not because of the eksena, but because I find her pretty.”

Dagdag ni Marco, “Being a teenager, you don’t want to talk about it, you don’t want to look at people.

And after the eksena, ‘coz you work so happy right? And then, Direk Andoy Ranay says, ‘Cut!’ And then Julia, from being happy, goes to a neutral face. Me, I’m still smiling. It was funny. Yeah, I was funny.”

Kilala at nakakasabay pang mag-work-out minsan ni Marco ang real-life BF ni Julia na si Gerald Anderson sa gym nito kaya ganu’n na lang siya na-intimidate rito.

“I was intimidated by the fact na kasi I’m kinda friends with Gerald Anderson. He’s really like a kuya to me and Julia is his girlfriend. So, to me, I was, like, more intimidated of the fact, ‘Oh, my God, is this right?’ At the same time, it’s just work.

“He’s supportive and I’m surprised by that because he doesn’t have to, and the fact that he is, it’s flattering, definitely,” diin ni Marco.

Kasama rin sa cast si Marco Gumabao, ang ’Di Na Muli ay napapanood sa Kapatid network tuwing Sabado ng gabi habang ang Ang Manananggal na Nahahati ang Puso naman, kung saan kapareha ni Marco ang baguhang si Aubrey Caraan, ay magsisimula i-stream sa Vivamax sa October 1.

AUTHOR PROFILE