
Maranan nakipag-ugnayan sa kinatawan ng UK CCTV Unit
BILANG pagkilala sa mahalagang papel ng isang advanced surveillance system, nakipag-ugnayan si Quezon City Police District (QCPD) P/BGen. Redrico A Maranan sa mga kinatawan mula sa UK CCTV Unit sa Camp Karingal, Quezon City.
Ayon kay Maranan, ito ay para sa mas epektibong paggamit ng Closed-Circuit Television (CCTV) system sa surveillance at criminal investigations sa QCPD.
Sa isinagawang talakayan, iminungkahi ng nasabing unit ang isang training course gaya ng “identifying opportunities and gaps, crafting a CCTV retrieval strategy, practice and resourcing, exhibit retrieval, viewing techniques and logging, statements, and presentation at court.”
Ang mga ito ay upang bigyang kapangyarihan ang mga law enforcement ng kinakailangang kasanayan upang epektibong magamit ang teknolohiya ng CCTV sa iba’t ibang aspeto ng kanilang trabaho.
“In an era where technology plays an essential role in law enforcement, leveraging advanced CCTV systems is paramount,” ayon kay Maranan.
Dagdag ng QCPD chief, ang nasabing dayalogo kasama ang UK CCTV Unit ay para sa pagpapahusay ng kanilang surveillance at investigative capabilities para matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa mga komunidad ng lungsod.