Default Thumbnail

Maraming biyaya ang West Philippine Sea

July 17, 2021 Magi Gunigundo 981 views

Magi GunigundoBILANG isang archipelago, lubos na pinagpala ang Pilipinas na mapalibutan ng karagatan na punong-punong kayamanan.

Subalit karamihan ng milyun-milyon Pilipino ay walang nakikitang pakinabang sa maalat na tubig na ang tanging silbi ay languyan at hulihan ng isda lamang.

Walang dating sa kanila ang isyu ng pagkamkam mg ibang bansa sa eksklusibong sona pang ekonomiya o EEZ na 370 kilometro ang layo mula sa atingdalampasigan na pag-aari ng sambayanang Pilipino.

Kanya nga kinakamkam ng iba ang ating karagatan dahilsa bilyon bilyon dolares ang halaga ng mamiminang minerals, gas, at langis sa ilalim ng dagat. Ninanakaw sa atin ang pagkain, negosyo at trabaho at buwis na magpapanhik sana ng perang kailangan para maipagamot ang kapamilyang may sakit, matustusan ang pag-aaral ng anak, makabili ng sariling tahanan at makapag-ipon para sa pagtanda, mayroon maipamana sa mga apo. Hindi ito mapagdugtong ng maraming Pilipino na kinukulong ng mga matang hanggang sa ibabaw lang ng tubig karagatan nakatanaw.

Magmula sa 3 bilyon tao sa 2020, tinataya na sa 2050 aabot na sa 9 bilyon tao ang populasyon ng buong mundo. Dala nito ang tatlong hamon na dapat paghandaan maigi ng lahat ng pamahalaan pagkain, trabaho, at kuryente na nagpapatakbo ng ekonomiya at sibilisasyon sa ika 21st siglo.

Dahil paparami ang populasyon, mas maraming bibig ang pakakainin, mas maraming trabaho ang kakailanganin para mabuhay, at mas maraming pagkukunan ng dagdag na kuryente ang dapat maitayo para matustusan ang mas malaking bilang ng konsumong kuryente na nagpapaginhawa ng buhay (kabilang dito ang internet at mga kompyuter).

Kung ang mga bansa ay hindi magtutulungan upang mapigil ang kasakiman ng tao, magpapatuloy ang sinasabi ni Garett Hardin na “tragedy of the commons” ,ang trahedya ng pag-ako ng lahat sa mga problemang dulot ng pagsasamantala ng isa. Masama itong magpatuloy dahil ang resulta ay labis na pangingisda, polusyon na nagpapabago ng klima, nagwawasak ng mga korals, nag-papainit ng karagatan at pangangasim nito, pagpapadalas ng mapanalantang matinding bagyo kada taon na dati rati’y minsan lang sa 100 taon nagaganap, at pagkalipol ng mga species ng isda.

Napaka-negatibo ang epekto nito sa mga industriyang nakasalalay sa karagatan: marine fishing, marine aquaculture, marine fish processing, shipbuilding, maritime passenger transport, maritime freight transport, at turismo.

Ito ang dahilan kaya inilunsad noon 2019 ang Sustainable Oceans for All ng Organization for Economic Cooperation and Development( OECD) bilang isang masigasig na hakbang para makamit ang Agenda 2030 Sustainable Development Goal No. 14 : ang pangagalaga at napapanatiling paggamit ng mgakaragatan, dagat at yamang dagat para sa napapanatiling pag-unlad ng mga bansa. Ang mga karagatan ngayon ang magsasalba sa sankatauhan mula sa tag-gutom at kahirapan. Bilang tugon, ang mga mayayamang bansa ay pumihit na rin ng pagtrato sa karagatan bilang isang prayoridad sa agenda ng G7 at G20 Summit.

Gamit ang slogan na “build back bluer” o itayo ang mas bughaw na karagatan pagkaraan ng COVID-19 pandemiya, ang Sustainable Oceans for All ay may anim na sektor na itataguyod : sustainable fisheries, sustainable tourism, renewable ocean energy, green shipping, ocean conservation, at reduction of ocean pollution. May nilalaan na Official Development Assistance para pondohan ang mga makabuluhang proyekto ng isang bansa o grupo ng mga bansa para saanim na sektor .

Sinabi ng OECD na bilang karagdagan sa mahalagang papel nito sa pagsasaayos ng klima at panahon, mahalaga ang karagatan sa ekonomiya ng mundo, na may higit sa 90% ng kalakal na niluluwas at inaangkat ay gumagamit ng mga ruta sa dagat at pinagkukunan ng mga trabaho para sa milyun-milyong tao. Ang karagatan din angentablado para sa isang lumalagong hanay ng mga bagong aktibidad na pang-ekonomiya na nauugnay sa karagatan.

Tinataya ng OECD na pagsapit ng 2030, ang mgaindustriya na nakadepende sa aragatan ay gagamit nghigit sa 40 milyong mga tao sa buong mundo. Ang karagatan ay may partikular na kahalagahan sa mga papaunlad na mga bansa (tulad ng Pilipinas), na tahanan ng 3 bilyong katao na umaasa sa dagat para sa kanilangkabuhayan

Diniin ni Angel Gurria, Sec Gen ng OECD , na angkaragatan ay isang pangunahing sistema ng buhay, sentrosa kagalingan ng tao at sa isang malusog na planeta kaya “ walang natitirang oras para aksayahin. Ang krisis ngcovid 19 ay binabago ang paraan ng ating pag-iisip, pagtatrabaho, at ang paraan ng paggawa at pagkonsumo.Ang pamumuhunan sa mga sektor na nauugnay sakaragatan ay kinakailangan maidisenyo sa isang paraanna nagpapalakas sa kapaligiran at makakamit ang isangnapapanatiling matatag na ekonomiya. Ito ang tamangpanahon at hindi natin ito dapat sayangin.”

Maraming biyaya ang West Philippine Sea. Kailanganmagpalit ng bagong mata na nakatanaw sa malayo at tumatagos sa ilalim ng tubig karagatan. Ganyang matarin dapat mayroon ang bagong Presidente sa 2022 nanagpapahalaga sa ating karagatan at nakahandangmakipagtulungan sa maraming bansa , di lang sa isangmaton, alinsunod sa Sustainable Oceans for All.

AUTHOR PROFILE