Mapayapang halalan sa 2022 sa CL target ng PNP-PRO-3

October 3, 2021 People's Tonight 224 views

TARGET ng Philippine National Police (PNP) na magkaroon ng mapayapa at malinis na eleksyon sa susunod na taon sa buong Central Luzon, ayon sa pamunuan ng Police Regional Office 3 (PRO3).

Ayon kay PNP Region3 Commander PBGen. Valeriano de Leon, “ngayon pa lang nilalatag na namin ng mga tao ko ang isang operation plan para sa isang violence free at honest election sa 2022”.

Ani Gen. de Leon, “we will make sure na safe ang bawat kandidato, mga leaders nila at supporters sa karahasan o kapahamakan dahil ilalabas namin ang lahat ng mga tao namin para mabantayan ang kanilang mga area of responsibilty at mapalawig pa ang police visibility”.

“We are also happy to report na it was peaceful all over region 3 last Friday during the first day of the filing of certificate of candidacy,” ayon kay de Leon.

“Gusto ko na mapanatili na payapa ang lahat hanggang sa pagkatapos ng halalan sa susunod na taon,” dagdag pa ng heneral.

“Mas maganda na we prepare early for next year’s election para we can immediately react properly if there is any eventuality na we need to respond right away pero let’s hope everything will be smooth,” pag-amin ni de Leon.

AUTHOR PROFILE