Larawan: Jillian Ward/IG
Manyika
HINDI na mapakali ang mga fans ng aktres na si Jillian Ward matapos itong maglabas ng paandar sa kanyang Instagram. Suot ang white sando na halos hindi maitago ang kanyang flawless na kutis, nagbigay si Jillian ng teaser ng kanyang bagong confidence bilang isang ganap na dalaga.
Sa caption na woman emoticon, parang pasabog na bumida ang aktres sa kanyang sultry na pose na ipinakita ang mala-Santol niyang kakinisan.
Hindi tuloy napigilan ng netizens ang pagbaha ng emojis sa comment section, mula sa apoy hanggang sa puso. Ani pa ng isang fan, “So beautiful my love idol kita forever!”
Sa post ng aktres, nabuo ang tanong ng netizen kung ready na ba si Jillian sa mas bold na hakbang sa kanyang career?