Isko Manila Zoo: libreng bakuna at pasyalan Pinangunanahan ni Manila Vice Mayor Dr. Honey Lacuna Pangan ang pag-vaccine sa mga menor de edad habang nakamasid naman sina Manila Mayor Isko Moreno at 3rd District Cong. Yul Servo na ginanap sa bagong bukas na Manila Zoo. Photo by Jerry S. Tan.

Manila Zoo bukas na, may libreng bakuna sa pupunta — Moreno

January 19, 2022 Jonjon Reyes 146 views

BINUKSAN na ngayong araw Enero 19 ang Manila Zoo para sa libreng bakuna ng mamamayan ng lungsod ng Maynila. Ito ay para din sa mga menor de edad at mga lolo’t lola,na mamasyal sa nasabing zoo.

Ang muling pagbubukas ng Manila zoo ay pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna at 3rd District Congressman Jhon Marvin Yul Servo, Manila Health Department at iba pang kawani ng lungsod.

Ayon kay Mayor Isko, unti-unti ng nakikita ang pagbaba ng bilang sa mga nahawaan o kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod matapos na dumating ito sa unang araw ng vaccination ng mga menor de edad na ginanap sa Manila Zoo.

Dagdag pa ni Mayor Isko, nagtuloy-tuloy sa loob ng tatlong araw ang pagbaba ng mga kaso ng Omicron at Delta variants sa Maynila kung saan ang kapasidad naman ng mga medical facilities sa lungsod at inuri nitong nasa “compatible level.”

Pagdating naman aniya sa gamot ay nasa komportable ring level kung pag-uusapan ang stocks, gayundin ang reserbang mga oxygen ay nasa target o hindi pa nagagalaw.

Ayon pa kay Moreno, ang mga medical frontliners naman ay nag sisipaggalingan at bumubuti na ang kanilang mga kalusugan at makakabalik na ulit sila sa kani-kanilang mga trabaho.

Samantala, binigyan diin nito na mahalaga sa panahon ngayon ang tuloy-tuloy na pagbabakuna kaya naman binuksan ang Manila Zoo bilang karagdagang vaccination sites para sa mga minors edad mula 12-17 para sa kanilang first dose habang maaari ding magpabakuna ng second dose o booster ang kanilang mga guardian/magulang o kamag-anak na kasamang mamamasyal sa Manila Zoo.

Kasabay nito nagpaalala si Mayor Isko na may bakunahan na nagaganap dito sa Zoo na magsisimula ng 8:00 a.m. hanggang 8:00 p.m. ng gabi. Maaari lamang magpa-schedule muna sa http://www.manilazoo.ph at siguraduhin na may account kayo sa www.manialcovid19vaccine.ph. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE