Default Thumbnail

Manila Workers Unity nagsagawa ng protesta sa Mel Lopez Blvd

November 25, 2022 Jonjon Reyes 309 views

Nanawagan na wakasan ang ‘endo’

NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang mga miyembro ng manggagawa ng Harbour Manila Workers Unity ng SLORD Development Corporation upang ipahayag ang hinaing na “Wakasan ang Kontraktwalisasyon” na aabot sa mahigit kumulang sa 50 katao sa Manila Harbour Center sa Mel Lopez Boulevard, North Harbor sa Tondo, Maynila, Biyernes ng umaga.

Nagsimulang magprotesta ang grupo pasado alas 8:00 ng umaga, na pinangunahan ni Francisco Manaog, team leader ng nasabing workers’ union.

Dahil dito, agad na pinangunahan ni Police Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., station commander ng Raxabago Police Station 1 kasama sina P/Maj. Rex Dela Cruz, team leader ng Civil Disturvance Management (CDM) at P/Maj. Jayven Dominguez at nagtungo sa nagaganap na kilos-protesta ng mga manggagawa upang mangasiwa sa anumang mangyayaring kaguluhan at mabigyan ng seguridad ang bawat indibidwal.

Naging tahimik naman umano ang kaganapan at tinitiyak ng pamunuan at ang mga miyembro ng samahan na “hindi isang beses” lamang sila magpoprotesta hangga’t hindi umamo naaaksiyunan ng pamahalaan ang kanilang karaingan at mga hinaing.

AUTHOR PROFILE