Servo

Manila VM Servo kinilala to the max

August 7, 2023 Edd Reyes 516 views

TUMANGGAP ng mataas na pagkilala sa kanyang mga kapuwa lingkod bayan si Vice Mayor at Acting Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto matapos ang matagumpay na pagdaraos ng ika 122-taong anibersaryo ng Manila City Council.

Bilang isang “perfectionist” na lingkod bayan, pinangunahan ni VM Nieto na siya ring Presiding Officer ang pag-oorganisa sa naturang kaganapan sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kumpiyansa na tutukoy sa mga detalye sa pagpa-plano na naging daan upang mabuo ang temang “Preserving Legacy by Being Future Ready”.

Sa ginanap na selebrasyon ng ika-122-taong pagkakatatag ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila, inilunsad din ang kanilang opisyal na website at pagkakaloob ng parangal at plake ng pagkilala sa mga kasalukuyan at naging dating miyembro ng konseho na nagbigay ng ambag upang maging respetado ang buong Konseho.

Ayon sa Bise Alkalde, ini-akda niya ang resolusyon para sa pagkakaroon ng opisyal na website ang Konseho upang ang lahat ng rekord at kanilang mga gawain ay matutunghayan ng publiko lalu na ng mga Manileños.

Bukod sa pagnanais na maging magaan ang pagkuha ng mga dokumento ng mga nagnanais magtayo ng negosyo sa lungsod sa pamamagitan ng digitalization, hindi rin pinabayaan ni Nieto ang kanyang programang “Araw Nyo, Serbisyo Ko” medical mission na nagkakaloob ng libreng gamot, dental, health at wellness services na suportado naman ni Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 30,000 Manileños ang nakinabang sa kanyang programa, pati na ang pagkakaloob ng libreng legal at documentation assistance, libreng gupit masahe at bakuna laban sa rabies sa mga alagang hayop.

AUTHOR PROFILE