
Manila lotto bettor nanalo ng P34.5M
ISANG mananaya sa Sampaloc, Manila ang nanalo ng P34.5 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 noong Oktubre 12.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), isa lang ang nakakuha ng tamang winning number combination na 13-41-06-25-34-42.
Nanalo naman ng tig-P24,000 ang 136 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na lumabas na numero.
Tig-P800 naman ang tinamaan ng 1,985 na mananaya na nakakuha ng apat na numero at tig-P20 ang 27,139 na mananaya na naka-tatlong numero.