Lacuna-Servo

Manila filmfest muling bubuhayin

February 14, 2023 Aster Amoyo 408 views

MARAMING bagong filmmakers ang natuwa dahil ire-revive ng bagong pamunuan ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Honey Lacuna at Vice-Mayor Yul Servo (John Marvin Nieto) ang taunang Manila Film Festival now called The Manila Film Festival (TMFF) in time for the 452nd founding anniversary of the City of Manila or Araw ng Maynila on June 24.

Ang dating Manila Film Festival ay proyekto ng dating mayor ng Maynila na si Antonio Villegas nung 1966 at naging daan ng mas pinalawak na Metro Manila Film Festival (MMFF) na taunan nang ginaganap tuwing araw ng Pasko, December 25 at kung saa nkabilang ang Gatpuno Antonio Villegas Memorial Award as one of the yearly special awards for outstanding film.

Ang muling pagkabuhay ng The Manila Film Festival ay naging initiative ng actor at vice-mayor ng Maynila na si Yul Servo na inaprubahan ni Mayor Mayor Honey Lacuna.

Si Dr. Charles Deita ang tumatayong executive director ng TMFF habang ang committee of mentors ay pinamumunuan ng writer-director na si Joven Tan kasama ang iba pang veteran directors na sina Joel Lamangan, Joey Javier Reyes, Jay Altajeros, Al Tantay at Pancho Maniquis bilang mga miyembro.

Ang bagong The Manila Film Festival (TMFF) ay tatakbo sa loob ng isang lingo mula June 17 to 24 with premiere on June 14.

Hindi pa inihahayag ang petsa ng Gabi ng Parangal ng TMFF na bukas sa mga kabataang filmmakers na siyang inaasahang magiging future ng Philippine cinema.-

Out of 300 materials submitted, this will be trimmed down to 20 at dito na pipiliin ang Top 8 na magiging official entries.

During the festival, walang banyaga o ibang local film ang ipalalabas sa mga sinehan sa Maynila except sa walong official entries for the TMFF.

Kapag naging successful ang newly-revived The Manila Film Festival ngayong June 2023, inaasahan na magtutuluy-tuloy na ito sa mga susunod pang mga taon.

Anak na babae nina Chito at Neri kamakailan lamang ipinakilala

ChitoChito1Chito2WHILE Chito Miranda, 47, is a successful singer-songwriter (and one of the founding members of Parokya ni Edgar), self-made naman ang pagiging successful businesswoman ng (dating) Kapamilya actress at misis ni Chito na si Neri Naig-Miranda (37).

Nagsimula lamang si Nerti sa P3,000 na puhunan sa kanyang tuyo business hanggang magkaroon na siya ng iba pang businesses tulad ng sariling bedding and sleepwear business na Very Neri, chain of their Italian restaurants na Amare la Cuccina, their Korean barbecue restaurant in Cebu, ang Jeju Samgyupsal, ang Exxtraordeneri Salon, rest houses in Alfonso, Cavite, Batangas ang Baguio among others.

Sipag at tiyaga ang nagging puhunan ni Neri sa kanyang pagiging isang matagumpay na negosyante.

Ang mag-asawa ay may dalawang biological sons na sina Miggy at Cash habang ang kanilang panganay na anak na si Pia (which many believe ay adopted daughter ng mag-asawa) ay kamakailan lamang nila ipinakilala sa publiko.

Neri had a miscarriage in 2015 sa magiging panganay sana nila ni Chito.

4th Diamond Awards night tagumpay

IdolSA imbitasyon ng successful businesswoman at indie film producer na si Baby Go, personal kaming dumalo sa 4th Diamond Golden Awards Night ng Diamond Golden Peace Care Good Heart World Class Global Award International Philippines, Inc. last Sunday, February 12 sa New World Hotel (Makati).

Ang mga recepients this year ay pinangunahan ng public-service senator na si Sen. Raffy Tulfo at kung saan din kasama ang People’s Journal Entertainment Editor na si Eugene Asis (representing his group, the Society of Philippine Entertainment Editors or SPEEd), Asia’s Jukebox Queen na si Imelda Papin and daughter Maffi Papin Carrion, actor-politician Alfred Vargas, ang mag-asawang Sen. Ramon `Bong’ Revilla, Jr. and Rep. Lani Mercado who were presented by their eldest son, Rep. Bryan Revilla, award-winning actor Allen Dizon, actress at dating politician nasi Angelica Jones, actor-basketball player and San Juan councilor Ervic Vijandre, GMA executive Joey Abacan, Mayor Marcos Mamay ng Nunungan, Lanao del Norte at maraming iba pa na nagmula sa iba’t ibang sector.

Coco nailang sa rape scene nila ni Miles

HINDI ikinakaila ng actor, director at producer na si Coco Martin (41) na siya umano ang nailing sa rape scene na kanyang ginawa with young actress na si Miles Ocampo sa kanyang bagong TV series sa ABS-CBN, ang “FPJ’s BatangQuiapo” na nagsimulang mapanood noong Lunes ng gabi, February 13, 2023.

Coco played the role of his father in the series at siya rin ang gaganap na anak na bunga ng pangri-rape ng kanyang gigolo at ma-impluwensyang ama sa character ni Miles bilang kanyang biological mother.

Coco considers Miles his anak-anakan lalupa’t kaklase umano niya ang nanay nito. Pero pin-iral ni Coco ang kanyang trabaho bilang actor-director at the same time, ang pag-aalaga kay Miles sa kanilang rape scene.

Ang pinakamagandang birthday gift para kay Lovi

CocoHINDI ikinakaila ng Kapamilya singer-actress na si Lovi Poe na pinakamagandang birthday gift na kanyang natanggap ang pagiging bahagi ng “FPJ’s BatangQuiapo” na hango sa classic hit movie ng kanyang yumaong ama, ang movie king na si Fernando Poe, Jr.

Lovi turned 24 last February 11, two days bago ang premiere airing ng serye.

Bukod kasi sa hango ito sa isa pelikula ng kanyang yumaong ama, she is part of the TV series at katrabaho niya for the first time si Coco Martin hindi lamang bilang co-actor kundi bilang director at co-producer ng serye and that made it doubly special for the singer-actress.

Tiyak ni Lovi na natutuwa ang kanyang ama in heaven dahil binibigyan ng bagong buhay ang kanyang mga pelikula sa telebisyon sa pamamagitan ni Coco.

OctoArts Films aktibong muli sa paggawa ng pelikula

ShairaDavidPALABAS na sa mga sinehan simula ngayon,Miyerkules, February 15 ang first movie team-up ng mga Kapuso stars na sina David Licauco at Shaira Diaz, ang romance movie na “Without You” na dinirek ni RC de los Reyes under OctoArts Films.

Fresh from his successful stint sa hit TV series na “Maria Clara at Ibarra,” inaasahan na dadagsa sa mga sinehan ang respective fans nina David at Shaira.

This early, naibalita sa amin ng big boss ng OctoArts Films na si Boss Orly Ilacad na may gagawing follow-up project si David sa nasabing kumpanya napagtatambalan nila ni Barbie Forteza at kukunan pa sa ibang bansa.

May ibang ring film projects ang naka-line-up sa bakuran ng OctoArts na aktibong muli sa pagpu-produce ngayong bukas na muli ang mga sinehan sa publiko.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE