Default Thumbnail

Manila City Hall employee patay, misis sugatan sa motorbike mishap

December 6, 2021 Francis Naguit 237 views

ISANG empleyado ng Manila City Hall na miyembro ng CSF ang patay at sugatan naman ang kanyang angkas na misis matapos na sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa concrete barrier Linggo ng gabi sa Tondo, Manila.

Ayon kay Dr. Edward Paul Lorenzo, idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Dario Paradero. Ang misis nito ay kasalukuyang inoobserbahan sa Gat. Andres Bonifacio Medical Center. Siya aynakilalang si Alma Paradero, 57.

Ang mag-asawa ayresidente ng Bldg 32, Unit 7, Aroma Temporary Housing Vitas sa Brgy.105 sa Tondo.

Batay sa ulat ni P/ SSg. Neil Mark Mabasa ng Manila Police Traffic Enforcement Section, nvestigation Unit, nakatanggap ng tawag ang kanilang opisina mula sa MPD- Station 1 hinggil sa insidente sa southbound lane ng Mel Lopez Boulevard na dating Road 10 sa Tondo.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente habang binabaybay ni Paredero ang kahabaan ng Mel Lopez Boulevard lulan ang kanyang misis sa motorsiklo bandang 10 p.m.

Dahil sa madilim ang lugar , bumangga sa konkretong harang ang motorsiklo sa harap ng Fire Rescue Brigade malapit sa Katuparan St.

Isang Melboy Isidro , 39, na kapitbahay ng mag-asawa ang nagbigay ng salaysay sa pulisya. Nina FRANCIS NAGUIT& JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE