Mangtani

Mang Tani, balik ‘UH’ at ‘24 Oras’

November 7, 2021 Ian F. Fariñas 1062 views

Pinusuan ng viewers at netizens ang pagbabalik-telebisyon ni Nathaniel “Mang Tani” Cruz nitong Biyernes, Nobyembre 5.

Mainit rin ang pag-welcome back sa kanya ng mga kasama sa Unang Hirit at 24 Oras.

“Nagbabalik dito sa Unang Hirit ang ating na-miss, (ang ating) GMA resident meteorologist, Nathaniel Cruz! Sabi ko nga may LPA, ikaw mismo ‘yun,” pabirong sabi ni Arnold Clavio sa nasabing morning show.

Ramdam din ang tuwa sa 24 Oras anchors na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez at Vicky Morales.

First time ring nagsama sa evening newscast si Mang Tani at ang bagong Kapuso na si Kim Atienza.

“Siyempre, hindi ko palalampasin ang pagkakataong batiin ang aking mentor sa pag-uulat panahon. Welcome back, Mang Tani!” sabi ni Kim na buong pagpapakumbaba namang sinagot ni Mang Tani, “Sa akin ang karangalan, Kim, sa pagtuturo sa ’yo. Welcome!”

Hirit tuloy ni Vicky, “Wow. Sino bang mag-aakala na magsasama-sama tayong lahat dito?”

Biniro naman ni Mel si Mang Tani kung marunong pa ba itong mag-Tagalog habang si Mike ni-reveal na pagsaludo pala ang greeting nila ng Kapuso meteorologist.

Saglit ring hindi napanood si Mang Tani dahil nagbakasyon siya sa Australia kung saan nakabase ang kanyang pamilya.

“Ako rin, na-miss ko kayong lahat,” sey ni Mang Tani.

Happy ang viewers sa comeback ng tinuturing nilang “Ekspertong Totoo.”

May nag-comment pa nga na napalabas daw siya ng banyo nang marinig ang boses ni Mang Tani sa TV.

AUTHOR PROFILE