Mandanas, kabiyak nakiisa sa pagdiriwang sa Padre Garcia
NAKIISA si Gov. Hermilando Mandanas at kabiyak na si Angelica Chua-Mandanas sa 75th anniversary at Kabakahan festival noong Linggo sa Padre Garcia, Batangas.
Sumama ang gobernador sa Grand Kabakahan Float Parade na lumibot sa main roads ng Padre Garcia. Nakihalubilo ang magkabiyak sa mga tao kasama sina Mayor Celsa Rivera at ex-Congressman Mike Rivera.
Dumalo rin sa selebrasyon sina Batangas PCL President Melvin Vidal, at 4th district board members Jonas Patrick Gozos at Jess De Veyra.