Mandanas

Mandanas guest speaker sa 2nd series ng CLLEP at DILG sa Cebu

October 4, 2023 Jojo C. Magsombol 131 views

KABILANG si Batangas Governor Hermilando Mandanas sa mga naimbitahang panauhing tagapagsalita sa ginanap na unang araw ng 2nd Series of Continuing Local Legislative Education Program (CLLEP) ng Philippine Councilors League (PCL) at Department of the Interior and Local Government (DILG) noong ika-3 ng Oktubre 2023 sa Cebu City.

Tinalakay ni Gov. Mandanas ang Local Government Perspective pagdating sa usapin ng Universal Health Care (UHC). Dito ay ipinabatid ng gobernador, na tumatayo rin bilang Chairperson ng Batangas Local Health Board, ang kahalagahan ng patuloy na pagtutok sa pagsusulong ng ganap at lubusang implementasyon ng UHC Law sa bawat lokal na pamahalaan sa buong bansa. Aniya, magtutulak ito sa pagkakaroon ng isang people-centered health care system na makapagbibigay ng mas malawak na access sa dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino.

Bukod sa pagiging guest speaker, nagkaroon din ng pagkakataon si Gov. Mandanas na makadaupang-palad sina PCL National Chair, Atty. Raul Corro, PCL National President Handy Lao, at Cebu Governor Gwendolyn Garcia, gayundin ang mga legislators mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

AUTHOR PROFILE