PCSO

Mananahi sa Taytay nanalo ng P21.4M sa Megalotto

November 30, 2022 People's Tonight 313 views

ISANG mananahe sa Taytay, Rizal ang nanalo ng P21.4 milyong jackpot ng Megalotto 6.45 sa bola noong Nobyembre 7.

Pumunta na sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandaluyong City upang kubrahin ang kanyang premyo.

Ayon sa PCSO ang nanalo ay 39-anyos na babae. Siya ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 16-13-02-19-11-07.

Nalaman umano ng mananahe na siya ang nanalo nang makita ang mga numero sa Facebook page ng PCSO.

“Nang makita ko po sa post ng PCSO Facebook Page na nanalo ang aking numero ay hindi na po ako nakapagsalita, pinapagpapawisan na ako ng malamig at mangiyak ngiyak po ako sa tuwa.

Halos ganyan po ang nangyari sa akin sa loob ng dalawang araw. Nasa 15 taon na po akong tumatangkilik sa lotto. Sa nakaraang 9 na buwan napagpasyahan ko po na tayaang numero ang edad ng aking mga anak at sa hindi po inaasahang pagkakataon nakamit ko po ang aking pinapangarap,” kuwento ng nanalo.

Sinabi ng nanalo na naging mahirap ang buhay dahil sa pandemya at dumagdag pa sa kanilang pasanin ang operasyon ng kanyang anak sa kidney.

AUTHOR PROFILE