Candy Larawan mula sa IG/Candy Veloso

Manamis-namis

December 18, 2024 People's Tonight 386 views

YOU’RE the real eye candy!”

Iyan nga ang sey ng social media followers ng Vivamax actress na si Candy Veloso matapos niyang ibandera ang manamis-namis niyang karisma sa Instagram.

Hindi nga lang sa paningin masarap ang sexy star dahil kung mga barako ang tatanungin, mas bet nilang tikman ang pinaghalong sweetness at hotness ni Candy.

“Let’s make it a November to remember,” saad niya sa caption ng nasabing post.

Makikita ang tumambad na magandang kurba ng katawan ng hot actress sa suot niyang two-piece bikini.

Kahit na anong anggulo, nakahiga man o nakatayo, mawawalan ng kadalisayan ang kulay puti niyang suot kapag makamundong bagay na ang pumasok sa utak ng mga kelot.

Hindi nga lang sa pangalan ni Candy malalasap ang tamis, dahil kung huhubaran man ng balot ang Eba na tulad niya, swak na swak na pampagana ito para mabuhayan ang mga kalahi ni Adan.

Bago man sa industriya, agad niyang pinatunayan na may ibubuga ang nag-uumapaw niyang karisma.

Naitampok na rin sa iba pang proyekto si Candy, kabilang na sa mga ito ang ‘Dirty Ice Cream,’ ‘Kapalit,’ ‘Init,’ ‘F-Buddies,’ at ‘ Tahong.’

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar