Christine Larawan mula sa IG/Christine Samson

‘Mamma mia!’

November 22, 2024 People's Tonight 124 views

NAGULANTANG ang social media world sa muling paglalatag ng social media star at aktres na si Christine Samson ng kanyang pamatay na wangkata.

Napa-“Mamma mia!” na nga lang ang kanyang Instagram followers ibinahaging mga larawan ni Christine sa kanyang account.

“Days like this,” maikling caption niya sa nasabing post.

Nakapagbibigay ng init ngayong tag-ulan ang mga ibinahagi niyang larawan. Nakakatipid din sa tela ang bebot dahil sa ganado siyang magsuot ng string two-piece bikini kung saan kabogerang ini-awra ang taglay na pigura.

Walang duda, master na sa pagpukaw ng atensyon ng mga kalalakihan si Christine, dahil effortless niyang makukuha ang kanilang titig sa pamamagitan ng ganitong mga post.

Maging ang ilan ngang mga kalahi ni Eba sa kanyang post ay bet na bet din magkaroon ng katawang gaya ng sa social media star.

Kinuyog din ng mga papuri galing sa kanyang mga kapwa content creator at ilang personalities ang post ni Christine.

Angel Dei: “BODY GOALS.”

Riva Quenery: “PATAYIN NA LANG KAMI LAHAT ‘PAG GANYAN.”

Yukii Takahashi: “Grrr, grabe naman yan.”

Barbie Imperial: “Ayan nanaman syaaaa.”

Sumirit sa comment section ang mga papuri galing sa netizens dahil sa ibinidang sex appeal ng model-actress. Pinaulanan nila ng puso at fire emojis ang mga larawan nito.

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar