Mamburao niyugyog ng 4.9 magnitude na lindol

September 22, 2021 Jun I. Legaspi 284 views

YINUGYOG ng magnitude 4.9 na lindol ang Mamburao, Occidental Mindoro Miyerkules, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa agency, bandang 12:43 am. ng tumama ang lindol 10 kilometers north at 85 kilometer west ng nasabing probinsiya.

Tectonic ang origin ng lindol at 025 kilometer ang lalim nito sa lupa.

Dahil sa lakas ng lindol , naramdaman ang Intesity IV sa Mamburao, Abra de Ilog, at Paluan, Occidental Mindoro, Puerto Galera,at Oriental Mindoro, Calapan City at Oriental Mindoro.

Naramdaman din ang Intensity III sa Mabini, Malvar at Tingloy sa Batangas at Tagaytay City. Intensity II naman ang naramdaman sa mga lugar ng Bauan Batangas, Muntinlupa City,Batangas City, Calatagan, Batangas, Mauban, Mulanay, at Dolores, Quezon.

Intensity I naman ang naramdaman sa Carmona, Cavite, at Plaridel sa Bulacan.

Nagbabala ang Phivolcs sa posibleng mga aftershocks at patuloy ang frontliner personnel ng agency sa pagkuha ng mga information kung may mga nasalanta ang lindol sa mga nasabing mga lugar.

AUTHOR PROFILE