Mambabatas naniniwalang malapit dating PCSO GM kay Duterte
Garma itinanggi na ‘close’ kay DU30.
NANINIWALA ang mga kongresista na mayroong malapit na relasyon sina dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma at dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Itinatanggi naman ni Garma na close sila ng dating Pangulo na nagtalaga sa kanya sa PCSO.
Si Garma ay inakusahan na siyang nasa likod ng pagpatay kina Chu Kin Tung, alyas Tony Lim; Li Lan Yan, alyas Jackson Li; at Wong Meng Pin, alyas Wang Ming Ping na nakakulong sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) noong 2016.
Magkakasunod na inusisa sa nina Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrix” Luistro, Taguig Rep. Amparo Maria “Pammy” Zamora, Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez, at Antipolo Rep. Romeo Acop si Garma sa pagdinig ng Quad Committee ngayong Huwebes tungkol sa kanyang karera bilang opisyal ng PNP hanggang sa maging general manager ng PCSO
Natanong ni Luistro si Garma sa kanyang naging pag-aaral, serbisyo sa PNP pati na ang pagiging pinuno ng Women’s Desk sa Davao City Police department, sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at bilang hepe ng pulisya sa Cebu City noong panahon ng pagpapatupad ng Duterte war on drugs.
“I wish to maintain my statement, Mr. Chair, na bago po ma-appoint ang isang opisyal ng PNP sa isang area of jurisdiction, sa general practice, we always consult the local chief executive,” sabi ni Luistro na pinatutungkulan si dating Davao City Mayor Rodrigo Roa Duterte noong panahon ng pagkakatalaga ni Garma sa pulisya.
“In other words, Mr. Chair, I wish to state that the reason why almost the entire career in PNP of Col. Garma was spent in Davao, the reason why she was appointed in Cebu City as city director and the reason why he was appointed as PCSO General Manager is because pinagkakatiwalaan po siya ng ating dating pangulo, former President Rodrigo Roa Duterte,” ani Luistro.
Natuklasan sa pagdinig na hinawakan ni Garma ang ilang posisyon sa pulisya ng Davao City kasama ang pagiging station commander ng Sasa at Sta. Ana sa Davao City, pinuno ng Women’s Desk ng Davao City Police at bilang police administration officer ng Davao City police station.
“Ang maliwanag po, Colonel, ay malaki ang tiwala sa inyo ng dating Pangulo,” ani Luistro.
Sabi pa ng mambabatas na batay sa mga ulat ay umapela pa si Garma sa noo’y Mayor Duterte na mapanatili ang kanyang dating asawa sa Davao City bilang bahagi ng pulisya.
“Because countless articles, merong Rappler, iba’t iba pa nagsasabi dito na naging hingahan niyo ng sama ng loob nung panahon na ‘yun si Mayor Duterte and thus earning his trust,” tanong ni Zamora kay Garma.
“Hindi po totoo yan,” tanging tugon ni Garma.
“The reason why you were appointed for PCSO General Manager is because the President trusted you that you can discharge the functions of this office, tama po? Dagdag pa ni Zamora
“It is possible, Mr. Chair,” ani Garma.
Napansin ni Suarez na ang mga hinawakang posisyon ni Garma sa PNP ay ‘plum areas’, na kung wala aniyang pamamagitan si Duterte ay hindi madaling makuha ang posisyon sa Davao City, Cebu City, at PCSO.
“Kung talagang totoo kayo sa posisyon na pinangangalagaan ninyo ang anak ninyo, hindi nyo siya ilalagay sa alanganin. Tiwala kayo na ‘pag nag-resign kayo – which was a gamble given that you still had ten more years of active service – you were sure, in your heart, that you will not put the welfare of your daughter in any harm,” ani Suarez.
“Therefore, you applied for the position of PCSO (General Manager), a position so plum and so sweet that only the handpicked chosen ones of the President will be given,” sabi pa niya.
Sumali si Garma sa PCSO noong July 15, 2018 matapos magretiro sa PNP noong June 2019 matapos ang 24 na taong serbisyo sa pulisya.
Kinuwestyon naman ni Acop si Garma kung bakit pinili nitong mag-retiro agad sa serbisyo gayong may sampung taon na lang siyang kailangan bunuin.
“This representation, I think, would also believe that na ikaw ay nag-optional retirement because you knew for a fact that you can get the position in the PCSO,” ani Acop.