Kagawad

Mambabatas, mister, kagawad inireklamo sa Ombudsman

December 19, 2024 People's Tonight 276 views

NAHAHARAP sa reklamo sa Office of the Ombudsman ang isang mambabatas, kanyang asawa at kagawad kaugnay ng pag-repack ng mga relief good mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang reklamo ay inihani laban kay Malabon Congresswoman Jaye Lacson-Noel, asawang si Florencio “Bem” Noel at ang kagawad na si Romulo “Ibot” Cruz kaugnay ng pag-repack ng mga relief good mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa reklamong inihain ni Rogelio Gumba, dating tauhan ng congresswoman, nakasaad ang pinagdaanang baha ng Malabon dulot ng Bagyong Carina noong July 22, 2024 kung saan nabigyan ito ng mga family food pack mula sa DSWD.

Sa complaint affidavit ni Gumba, nakasaad na siya ang inatasan umano ng tanggapan ng respondent na kumuha ng mga family food pack sa DSWD sa Pasay kasama ang isang driver. Karamihan ng mga food pack ay dinala umano sa headquarters ng respondent sa Tonsuya, Malabon habang ang iba ay dinala umano sa Brgy. Longos, Hulung Duhat at Tinajeros.

Nirepack umano ang mga relief good kung saan ang 6 kg na bigas ng DSWD ay hinati a dalawang pakete na tag-3 kilo. Hinati-hati rin umano ang ilang de lata at inilagay sa plastic bags.

Ayon kay Gumba, nagkaroon ng paglabag ang respondent sa Republic Act No. 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010.

Ang mga ni-repack na relief goods ay ipinamahagi umano ng mga respondent.

“Such a position or relation of trust and confidence was aptly established to have been gravely abused when she (respondent) made it appear that the distributed goods belong to them, in addition to the fact that they did not distribute some of the goods contained in the said relief box,” ang alegasyon ni Gumba.

AUTHOR PROFILE