Malu

Malu Barry, balik-concert scene

November 27, 2022 People's Tonight 162 views

Balik-concert matapos ang ilang lockdown sa pandemic ang tinaguriang Fiery Torch Diva na si Malu Barry last Friday sa Eagles Club, Metrowalk.

It was a very very successful concert dahil hindi lang sa loob ng nasabing club napuno ng madlang pipol kundi pati sa labas at marami pa ang pumila sa entrance para bumili ng tikets.

Si Malu ay hinangaan noon sa mga gig niya sa Spindle at talagang rekomendado siya ng nag-iisang Rico J. Puno (SLN).

Halos gabi gabi ay talagang dinarayo ito ng mga music lover.

Isa sa mga humanga nang husto noon kay Malu ay walang iba kundi ang magaling pero namayapa nang si Direk Lino Brocka, na namatay sa isang car accident pagkagaling sa panonood kay Malu sa Spindle many years ago.

Pero bago sumakabilang buhay si Direk Lino ay ginawa pa niyang aktres si Malu sa mga pelikulang Kislap sa Dilim, Vizconde Massacre, Minsan Pa, Kumukulong Dugo, Laro Sa Baga, atbp.

Ang last na pelikulang nagawa ni Malu bago mag-pandemic ay ang Jesusa na directed by our good friend, Ronald Carballo.

Co-star ni Malu sa Jesusa si Sylvia Sanchez.

Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan na ni Malu ang first concert niya sa Canada.

Idinadalangin niya na sana ay mabigyan sila agad ng visa.

Well, harinawa, para naman makilala rin ang isang Malu Barry sa ibang bansa.

‘Yun na!. Ni Mercy Lejarde

AUTHOR PROFILE