Guess

Male TV host na mainitin ang ulo, nagkukuripot

January 3, 2025 Jun Nardo 110 views

MAINITIN ang ulo ng isang male host na may ongoing TV show.

Kilala ang host sa pag-init ng kanyang ulo na nailalabas niya minsan sa nakaraang episodes ng show.

Minsan, pati traffic sa daan, eh, ikinaiinit ng ulo niya at ang driver niya ang napagbubuntunan ng init ng ulo kahit wala naman itong kinalaman sa traffic.

Nitong nakaraang Pasko, may media na nagtanong sa host kung kailan ang pamaskong handog niya para sa kanila.

Nu’ng kainitan pa ng show niya at malakas ang kita, si male host ang nangunguna sa celebs na nagbibigay ng Christmas party.

Pero ang standard na sagot na, “Busy pa ako. Hanap ako ng schedule” na ang madalas na sagot ng male host ngayon.

Nagdaan na ang holidays pero walang ibingay na party ang host na nagkukuripot na raw, huh!

DENJEN, ‘SANGGANG DIKIT’

DenjenKASAMA rin pala ang showbiz couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa mga magkakaroon ng bagong TV series sa GMA base sa inilabas na line up ng programs ng network.

Ang action-drama series na “Sanggang Dikit” ang pagbibidahan nina Jen at Den. Of course, kabilang ang series ng mag-asawa sa mga aabangan sa Kapuso Network this year.

Kasado na this month ang ilalabas na “Batang Riles,” “Lolong,” “My Ilonggo Girl” at “Prinsesa ng City Jail.”

Nariyan pa ang “Sang’gre,” “Hari ng Tondo,” “Cruz vs. Cruz” at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE