Male celebrity namulat sa pang-iisa ng ex-GF
NALIWANAGAN na marahil ang isipan ng isang male celebrity na matagal nang pinaiikot sa palad ng kanyang non-showbiz GF.
Hawak kasi ni girl ang kinikita ng male celeb sa trabaho. At siya ang nagdidikta kung magkano ang ibibigay sa pamilya nito.
Eh, nang ma-in love sa ibang girl si lalaki, naliwanagan ang isipan niya. Kumalas siya sa GF kahit na may pananakot na ginawa sa kanya.
Mas matanda kasi si girl kay boy at hindi masyadong mataas ang pinag-aralan kaya kaya niyang i-manipulate ang BF.
Ngayon, parang ibon na nakakawala sa hawla ng male celeb dahil wala nang nakikialam sa kinikita niya, huh!
PASKONG PINOY NG GMA NAKAKA-MISS
NAKAKA-MISS ang Paskong Pinoy ng GMA Network na nangyari noong hindi pa pandemic.
Native food, bibingka at puto bumbong with matching non-stop beer and wine, huh!
Eh, after several years na Zoom party, naganap ang face-to-face Christmas party with the entertainment peeps ng GMA last Tuesday.
Wala ang balut, beer at iba pa. Pero nandu’n pa rin ang cash prizes na napanalunan ng masuwerteng media peeps.
Pero the best pa rin ang GMA party lalo na’t kumakanta kami ng, “The Winner Takes It All” palabas ng studio, huh!
How about my dear editor, Ian F? Hahaha!
Ay may ginawa pala kami prior to the party where we shared our blessing.
Thank you, GMA! Really, it pays to be loyal!