
Malaysian ‘turista’ nahulihan ng P25M-shabu sa NAIA
ISANG Malaysian traveller ang inaresto ng mga awtoridad makaraang makumpiskahan ng mahigit P25 milyong hinihinalang shabu as Ninoy Aquino International Airport.
Ang turista ay nasakote ng pinagsanib na pweras ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa pagdating sa paliparan mula sa Madagascar via Addis Ababa lulan ng Ethiopian Airlines Flight ET 644.
Sa impormasyon, sumalang sa screening, kabilang na ang x-ray scanning, at thorough physical examination ang bagahe ng dayuhan na nagresulta sa pagkakadiskubre ng 3.722 kilograms ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P25.308 million.
“This apprehension is a product of the strengthened commitment of our officers to protect our borders from the entry of illicit goods. I commend the Port and our partner agencies in this successful interdiction and suppression of drug smuggling,” saad ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
Ang paahero ay ipinagharap ng kasong paglabag sa sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Drug Act, at Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Tiniyak naman ni District Collector, Atty. Yasmin O. Mapa na sa ilalim ng kanyang liderato ay pagsisikapan nilang maiangat ang pperformance ng kanilang mga tauhan partikular sa pagbabantay sa border ng bansa.
Matatndaang nitong September 28, 2023, dalawang Singaporean din ang nasakote dahil sa pagdadala naman ng P76.1 milyong halaga ng cocaine mula Doha, Qatar.