Default Thumbnail

Malabonias nagpasalamat sa kalinga sa kalusugan

September 12, 2021 Vic Reyes 370 views

Vic ReyesHINDI nagpapabaya ang pamahalaang lungsod ng Malabon sa kanilang mga mamamayan.

Sa katunayan, sa pagpapatuloy ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), sinigurado ng City Hall na may pagkain sa kanilang hapag ang kanilang mga mamamayan.

Namahagi sa lahat ng kabahayan ang tinaguriang “Kalinga sa Kalusugan” kung saan bawat pamilya ay binigyan ng stub para makatanggap ng ayudang gulay na maihahain sa kanilang mga pamilya. Ang mga pagkain ay ipinamahagi sa mga depot sa bawat barangay.

Sa pangunguna ni butihing Malabon Councilor Jose Lorenzo Oreta, siniguro ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon na may programang pangkalusugan para sa bawat pamilyang Malabonian bilang tugon na din sa hamon dulot ng pandemya. Ika nga ng konsehal, “ngayong dumarami ang variants ng COVID-19, mas kailangan nating ingatan ang ating mga kalusugan at isang paraan diyan ay ang pagkain ng masusustansyang pagkain.”

Kaugnay nito, nagsagawa ng pamimigay ang Pamahalaang Lungsod ng mga gulay, itlog, bigas at iba pang masustansiyang pagkain para siguruhing ligtas at malusog ang kanilang mga tinatawag na “Ka-asenso” sa Malabon.

Ang mga sariwa at masustansyang pagkain ay inangkat mula sa mga magsasakang apektado rin ng pandemya at ipinamahagi nga sa mga pamilyang Malabonian. Iyan ang ayudang napapakinabangan ng kanilang constituents.

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Crisanta Lara Junio, isa sa mga nakinabang sa nasabing programa.

Ayon sa Crisanta, malaki ang pasasalamat nila at naisip nina Mayor Lenlen at Konsehal Enzo na bigyan sila ng mga gulay at nang hindi puro de-lata ang kanilang kinakain. Kailangang-kailangan daw nila ito ngayon, lalo na ng mga bata sa bahay.

Napakalaking tulong daw nito na panlaban sa COVID-19.

***

Marami daw ang ayaw ng magpatingin sa ospital, lalo na ang mga may sintomas ng COVID-l9, na kagaya ng pag-ubo, lagnat, sipon inuubo at ‘di makahinga.

Ang kinatatakutan nila ay baka sabihing may COVID-l9 na sila at kailangang i-quarantine silang lahat.

Saan nga naman sila kukuha ng gagastusin at paano ang maiiwang bahay?

Ito ang malaking problema ngayon, lalo na’t panahon pa naman ng ubo, lagnat at trangkaso.

Okay lang sana kung ang sakit ay talagang ordinaryong ubo, lagnat o sakit ng ulo.

Eh, paano kung talagang may COVID-l9?

Ang laking problema!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969) 037 7083/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE