Kylie Larawan: Kylie Verzosa/IG

Makuha sa tingin

March 9, 2025 People's Tonight 134 views

WALANG preno sa pagpapasilip ng kaseksihan si Kylie Verzosa! Sa isa sa mga latest pasabog sa social media, walang saplot sa ibaba si Miss International 2016 habang patalikod na bumabandera ng kanyang flawless na wetpaks!

Sa kanyang caption na “SPF 100 cause I’m Asian,” tila sinasabi ni Kylie na kahit anong init ng araw, mas mainit pa rin siya!

Makinis, makurbang katawan, at mala-diyosang dating — kaya naman tulala ang netizens sa kanyang alindog.

“Makuha tayo sa tingin!” pabirong komento ng isang fan, habang ang isa naman ay nagwika ng “Ugh, you are flawless, Queen!” May nagsabi pang “She belongs under the sun” dahil sa sobrang kinang niya, parang siya na mismo ang liwanag.

AUTHOR PROFILE