Abalos Ang suspek ay ipinrisinta kina DILG Secretary Benhur Abalos, PNP Chief Gen. Rommel Marbil at SPD Director P/B/Gen. Rosete. FB

Makati road rage suspek nakorner na

May 29, 2024 Edd Reyes 79 views

NADAKIP na ng pulisya ang pangunahing suspek sa road rage incident na nagresulta sa pagkasawi ng 65-anyos na ffamily driver Martes ng hapon sa Makati City.

Dakong alas-8 ng umaga nang matunton nina Makati police chief P/Col. Edward Cutiyog ang suspek na si alyas “Gerald” na may lahi umanong Chinese sa Pasig City matapos matukoy ang minamaneho nyang itim na Mercedes Benz na may plakang BCS 77.

Sa tinanggap na ulat ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen, Leon Victor Rosete, kapuwa tumatahak sa southbound lane ng EDSA ang suspek at bikitmang si Aniceto Mateo, stayi-n driver sa Molave St. Ayala, Alabang sa Muntinlupa na nagmamaneho ng puting Innova (NOV-5421) nang magkagitgitan at magkasagutan malapit sa Ayala Tunnel.

Pagsapit sa naturang tunnel, pinaputukan ng suspek ang passenger side ng Innova at tumama ang bala sa kanang bahagi ng balikat ng biktima na tumagos sa kaliwang bintana ng drivers seat.

Bunga ng tinamong tama ng bala, nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima kaya’t nabangga pa ang dalawang motorsiklo ng rider na huminto para tumulong sa biktima matapos humingi ng saklolo ang pasahero niyang yaya ng 7-taong gulang na anak ng kanyang amo.na nakasakay din sa Innova.

Tumakas ang suspek makaraan ang pamamaslang habang binawian naman ng buhay ang biktima.

Nakuha ng mga tauhan ng mga nagrespondeng pulis ang isang basyo ng bala ng hinihinalang kalibre 40 pistola sa pinangyarihan ng krimen.

Miyerkules ng hapon nang iprinisinta ni Col. Cutiyog ang suspek na pang-lima na nagmamay-ari ng Mercedez Benz, kina DILG Secretary Benhur Abalos, PNP Chief Gen. Rommel Marbil at SPD Director P/B/Gen. Rosete.

AUTHOR PROFILE