Maja

Maja, nalula sa pagiging Dabarkads

October 4, 2022 Jun Nardo 122 views

ISANG taon na bilang Eat Bulaga Dabarkads si Maja Salvador. Alam na niya ang feeling ng isang EB Dabarkads.

Eh. nu’ng nakaraang birthday niya, nalula si Maja sa pa-video surprise ng lahat sa Bulaga kaya naman sa kanyang Instagram, nasabi niyang, “Ganito pala maging Dabarkdas.”

Nagsimula sa EB si Maja nang gawin ang segment na “Dancing Kween.”

Pero kahit natapos na ang segment, tuloy pa rin siya sa pagiging legit EB Dabarkads niya.

Eh, sa pagiging EB host ni Maja, nabitbit niya ang talent na si Miles Ocampo.

In fairness naman kay Miles, nahahasa pa siya sa pagbibitiw ng punchlines at knock-knock jokes, huh!

Soon, magkakaroon ng bagong EB Dabarkads kapag natapos na ang search nitong Bida Next.

ANAK NI PIP, STAFF NA NG FDCP?

PASOK pala si Tirso Cruz III sa bagong GMA series na Maria Clara at Ibarra na nagsimula kahapon.

Of course, first and foremost na mahusay na aktor si Pipo bago naging chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Si Tirso ang gaganap bilang si Padre Damaso at isa raw siya sa cast na magaling sa Espanyol, huh!

Kapag nakita namin si Chairman Pipo, aalamin namin sa kanya ang nabasa namin tungkol sa anak niyang si Djanin Cruz.

Staff na ba si Djanin ng FDCP?

AUTHOR PROFILE